Saturday , November 2 2024
Joy Belmonte, 18,000 ISFs nagkabahay sa Quezon City

18,000 ISFs nagkabahay sa Quezon City

HALOS 18,000 informal settler families (ISFs) ang nabiyayaan ng disenteng tirahan sa ilalim ng socialized housing program ng pamahalaang lungsod ng Quezon City sa unang tatlong taon pa lamang ng panunungkulan ni Mayor Joy Belmonte.

Ito ang inihayag ni Ramon Asper, hepe ng Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD), sa nakalipas na turn-over ceremony ng bagong tayong three-storey row houses sa Sitio Sto. Cristo, Barangay Balingasa.

Apatnapu’t limang (45) pamilya ng ISF ang nabigyan ng maayos na tirahan, may sukat na 21 square meter (sq.m.) at nagkakahalaga lamang ng P450,000 na maaaring bayaran sa loob 25 taon.

Pag-uulat ni Asper, bukod pa ang bilang ng naunang 48 pamilya na nakatira na sa katabing row houses na naitayo ng dating administrasyon sa 2,632 sq.m. na lupaing pag-aari ni Estrella Cruz Pangilinan na piniling ibenta sa pamahalaang lokal ang kanyang ari-ariang lupa.

“Dapat, dalawa pang gusali ng row houses ang susunod na itatayo, ngunit nakaisip ng magandang paraan ang butihin nating Mayor na gawing 12-storey building na lamang ang ipatayo sa natitirang espasyo ng lugar, upang marami pang pamilya ng ISF ang mabigyan ng tirahan,” paliwanag pa ni Asper, kaya ang turn-over ceremony ay sinabayan na ng groundbreaking sa nasabing lugar.

“Kapag nakompleto na ang pagtatayo ng 12-storey building, mayroon itong 315 socialized housing unit, na hahatiin sa iba’t ibang sukat gaya ng 216 units na 28 sq.m.; 51 units na 30 sq. m.; 32 units na 34 sq. m. at 16 units na 35 sq.m. ang laki,” dagdag ng hepe ng HCDRD.

“Maaari na rin natin patirahin ang natitirang 149 ISFs na dsati ay nakatira sa lugar at pababalikin hindi na sa kanilang barong-barong kung ‘di sa maganda at maayos na tirahan,” ang sabi ni Asper.

Ang natitira pang mga housing units ay iaalok din sa iba pang pamilya ng mga ISF sa lungsod.

Kabuuang 17,932 ISFs ang iniulat ni Asper na nabigyan ng maayos na tirahan sa 26 parcels of land na sumailalim sa mga proseso gaya ng direktang pagbili ng lungsod, negosasyon, tinayuan ng gusali, o kaya ay nasa ilalim ng National Housing Authority Relocation Program, kabilang ang tinatawag na in-city socialized housing projects simula pa noong 2019 na karamihan ay naibigay sa mga natukoy na ISFs.

Ang tanging kailangan para maging kalipikadong benepisaryo ng socialized housing program ng lung­sod, ayon kay Asper, ay kung ang tao o residente ng lungsod ay payak at salat ang pamumuhay.

Ang programang paba­hay ay nakaakibat at pangalawa sa 14-point agenda ni Mayor Belmon­te, ang pagtatapos ni Asper.

About hataw tabloid

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …