Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janno Gibbs, Mang Jose, Manilyn Reynes, Bing Loyzaga

Mang Jose, Pamaskong handog ni Janno sa netizens

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INUNAHAN na ng Viva Films ang Metro Manila Film Festival sa pag-a-announce ng pelikulang mapapanood sa Kapaskuhan. Hindi nga lang naming alam kung maipalalabas din ito sa sinehan ngayong nagbukas na at pwede nang manood at magpalabas ng mga pelikula. Sa December 24, isang pelikulang Pamaskong handog ng Viva ang mapapanood via Vivamax, ang Mang Jose na pinagbibidahan ni Janno Gibbs kasama sina Mikoy Morales at Jerald Napoles na idinirehe ni Rayn Brizuela.

Ang Mang Jose ay isang superhero na nilikha at ipinakilala ng bandang Parokya ni Edgar bilang isang awitin noong 2005 at ngayo’y isa ng pelikula. Si Janno si Mang Jose na may superpower at energy absorption and redirection. Siya ang tinatawag ng mga taong nangangailangan ng tulong ngunit dapat ay may kakayahang magbayad. Hindi kasi libre ang serbisyo ni Mang Jose, may bayad at umaabot  ito ng ilang libong piso.

Ang Mang Jose ay may advance streaming sa November 17 at officially mapapanood sa December 24 sa Vivamax.

Ayon kay Janno late 2020 pa nila sinimulan ang pelikula at nito lamang early 2021 nila natapos.

Ang dahilan ayon kay Janno, ”We were trying to wait for the movie houses to open. We wanted sana in the theaters kasi nga this is a special movie for Viva, bagong super hero movie. This was shot in 8k kaya very clear talaga ang quality nito. But Vivamax came in kaya rito na kami sa Vivamax.”

Hindi ito ang unang pagkakataong gumawa ng superhero movie ni Janno. “This is my new ‘Pedro Penduko,’ ‘Mang Jose.’ Ang ganda ng costume, scene stealer siya,” sambit ni Janno.

Kasama rin sa pelikula sina Manilyn Reynes at Bing Loyzaga na first time nilang magkakatrabahong tatlo.

“Working with Manilyn is always a pleasure. We’ve done a lot of work on TV, but sa movies sobrang tagal na naming hindi nagkakasama. So, to be with her in this movie makes it even more special.

“Ito po ang first time at ito na po ang last time siguro (natawa). Eh, kasi ‘pag magkasama ‘yung dalawa sa tent puro ako ang pinag-uusapan at nilalait nila. Kawawa ako,” natatawang kuwento ni Janno.

Ukol naman sa stunts, buong pagmamalaki ni Janno na siya ang halos gumawa ng lahat, ”Hindi mahirap ‘yung stunts pero mas mahirap na ngayon kasi mas matanda na ako. Bata pa ako roon sa ‘Pedro Penduko’

“But I can assure you na mga 90 percent ng action ditto eh, ako talaga at ‘yung double, eh, 10 percent lang.”

Sa kabilang banda, ang Mang Jose ay nakalahok na sa Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN) sa South Korea noong July. Hindi ito ang unang pagkakataon na mapasama ang pelikula ni Direk Brizuela sa isang international film festival. Ang kanyang first feature film na Memory Channel (2016) ay nakapasok sa World Premiere Film Festival.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …