Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeli Khang

Angeli Khang stepping stone lang ang paghuhubad

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NALILINYA sa mga sexy film si Angeli Khang, bida sa Mahjong Nights kasama sina Jay Manalo at Sean de Guzman. Bago ito’y nakalabas muna siya sa Taya na talaga namang daring at sexy ang pelikula.

Bagamat pangalawa lamang ito’y agad siyang binigyang pagkakataong makapagbida. Kaya naman thankful si Angeli sa Viva.

Inamin ni Angeli na hindi niya alintana na puro-pasexy ang nabibigay sa kanyang project dahil alam niyang stepping stone lamang ito para matupad ang kanyang pangarap.

“Pinaghandaan ko itong movie na ‘to and sa ganitong mga scene dahil sabi ng manager ko kunin ko itong obstacle na ‘to sa buhay as my stepping stone and work hard on it so that when the people see your effort, sila na mismo ang tutulong sa ‘yo,” esplika ni Angeli. 

Ukol naman sa mga nagsasabing erotic ang kanilang pelikula,ito naman ang paliwanag niya,”Noong nalaman ko ‘yung story ng ‘Mahjong Nights’ hindi lang basta may magawa, talagang the details, the research, the mental health, the emotions and everything, on point siya. Na-feel ko talaga sa sarili ko na kung nangyayari ito hindi pa sa pandemic, na-sad ako na dumami pa ‘yung cases noong nagkaroon ng pandemic.”

“Seeing the comments of some people who judged kaagad ‘yung pagka-erotic in a bad way, inaanyayahan ko kayong panoorin itong ‘Mahjong Nights’ at talagang it’s an eye-opener to all. I hope na magustuhan niyo dahil marami kaming mga pasabog. After watching the movie I’m sure madaming maiiwan na feelings sa inyo kaya panoorin niyo ‘to.”

Streaming naang Mahjong Nights sa Vivamax sa November 12 na idinirehe ni Lawrence Fajardo.

Sa kabilang banda, iba pala ang pangarap ng ama ni Angeli sa kanya. Isang Korean general ito kaya naman gusto rin nitong sundan ang yapak niya. Subalit naiba ng landas si Angeli na pinasok ang pagmo-modelo noong 2017.

“When he knew about my modeling he wasn’t supportive kasi ang gusto niyang mangyari sa akin ay sundan ‘yung landas niya sa army and he said that it has a lot of better opportunities din. But my heart and mind tell me na gustong-gusto ko talaga ‘to kaya I got consent from my mom and she told me to just do whatever makes me happy and I’m thankful that my mom is supportive.”

Sinabi pa ni Angeli na galing siya sa isang conservative family. ”It’s really hard na i-explain sa mom ko but I’m thankful to end up na sobrang supportive niya sa akin and sabi niya as long as I’m happy with what I’m doing and wala akong tinatapakan na tao then she’ll be a supportive mother.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …