Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera, Dingdong Dantes, DongYan

Marian at Dong nagtulungan para mas maging matatag at positibo habang may pandemya

I-FLEX
ni Jun Nardo

KATUWANG ni Marian Rivera ang asawang si Dingdong Dantes para maging matatag at positibo ang buhay para na rin sa kanilang dalawang anak.

“Malaking factor din ‘yung nandiyan ang asawa ko. Kaming dalawa ang nag-uusap at nagtutulungan ngayong nandyan pa ang pandemya.

“Hindi ako puwedeng malugmok. Nag-aaral ang isa kong anak kaya kailangan kong ipaliwanag kung ano ang buhay ngayon.

“Hanggang labas lang kami ng bahay. Kaynting bike sila at pasok na uli sila. Malaking tulong din ‘yung tiwala ko sa Itaas. Hindi niya kami pinababayaan,” saad ni Marian sa virtual mediacon ng GMA series niyang Tadhana.

Sa bahay na ginagawa ni Yan ang hosting niya ng Tadhana. Ang kanyang Glam Team ay tumutulong bilang staff habang si Dong ang director.

“Nakaraos kami ng ilang taon. Sana eh maging maayos na ang lahat para makapag-taping ako sa studio,” sey pa ng GMA Primetime Queen.

Sa Sabado manapanood ang 4th anniversary episodes ng Tadhana at may pasabog na magbibigay sila ng house and lot sa manonood at sa mapipiling kuwento ng OFW.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …