Thursday , December 19 2024
Star Magic Records, AC Bonifacio

Star Magic Records pang-global

BAKA malito. Ito ang unang naisip namin nang makatanggap ng invitation para sa launching ng Star Magic Records, ang bagong music label sa ilalim ng ABS-CBN Music ecosystem.

“Wala naman talagang difference. It’s really putting the artist on a global stage. Feeling namin if mas marami tayo, mas maganda,” ito ang paliwanag ni Roxy Liquigan, head ng ABS-CBN Music ecosystem sa isinagawang virtual media conference kamakailan.

Isang paraan ng pag-e-expand ng brand ng networks talent naman ang ibinigay na dahilan ni  Star Magic head Lauren Dyogi ukol sa concept ng Star Music Records. “This is Star Magic’s way of expanding the brand of the network’s talent management arm.

“When we brought up the idea of having a sub-label for Star Magic, hindi ako nagdalawang salita. Sina Roxy (Liquigan) and Jonathan (Manalo) were very accommodating and very welcoming of the growth and the possibilities of expanding our artists into the recording genre,” paliwanag pa ni Dyogi.

At nang matanong kung ano ang role nito sa kasalukuyang ecosystem ng ABS-CBN Music, dito na sinabi ni Roxy na, “Wala naman talagang difference. It’s really putting the artist on a global stage. Feeling namin if mas marami tayo, mas maganda.”

“We are not just sticking to one label. Mas marami, mas may focus tayo because Star Music is about mainstream music, Star Pop is pop music, Tarsier is for dance, EDM. DNA is for alternative music. Feeling namin, mas marami pang magagawa with mas maraming record labels,” dagdag pang paliwanag.

Kasabay ng paglulunsad ng Star Magic Records ay ang unang artist nito na magri-release ng kanyang single.

“Ang dami na niyang exposure that attest sa galing niyang sumayaw. But more than that, mayroon pa siyang ibang aspeto na pwede nating makita. This time, she will not only dance but she will be a total performer,” paglalarawan nito kay AC Bonifacio.

Sinabi pa ni Dyogi na naniniwala siyang maganang ehemplo si AC para maunang ilunsad bilang talent ng Star Magic Records.

Aminado naman si AC na malaking pressure sa kanya bilang pinaka-unang talent na inilunsad ng Star Magic Records. Kaya naman nangako siyang gagawin at ipakikita ang alam niya para sa ikagaganda ng kanyang single.

“I’ve been in the industry for a while now and as a dancer lang talaga. I’m friends with sila Darren (Espanto), Kyle (Echarri)and they always get to work with Sir Jonathan and Sir Roxy. Now that I get to work with them and with this new label too, and this song, I am just so excited. There’s a lot of pressure on my shoulder being their first artist but I will do my best,” sambit ni AC na ang titulo ng kanyang single ay Fool No Mo na tiyak na marami ang makare-relate dahil ukol ito sa self-worth at kung paano pakikisamahan ang ibang tao.

Ang Fool No Mo ay available na sa streaming platforms. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang …

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa …

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …