Thursday , December 19 2024
Beyond Zero, SB19

Beyond Zero ikinokompara sa SB19

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

“WE are Tiktokers before all this happened.” Ito ang iginiit ni Andrei Trazona sa launching ng kanilang grupo, ang Beyond Zero. Ang Beyond Zero ay isang boy group na pinagsama-sama ng House of Mertorque na nagpapakita ng galing sa pagkanta at pagsayaw.

Ang Beyond Zero, bukod kay Andrei ay binubuo rin nina Jester Kyle, Duke Cruz, Jieven Aguilar, Wayne Gallego, Khel Figueroa, at Mathew Echavez.

Si Duke ang tumatayong lider ng grupo, si Matty ang heartthrob, si Wayne ang bungisngis na topnotcher, si Khel ang singer at songwriter, si Jieven ang pinaka-baby sa grupo at people’s choice sa social media para mag-join sa grupo. Si Jester naman ang sweet, cute, at charming samantalang si Andrei ay ang proud na LGBTQ member.

Sa isinagawang virtual media conference natanong ang Beyond Zero kung ano ang ipinagkaiba ng kanilang grupo sa SB19?

Ani Andrei, Tiktokers muna sila. “SB19 has a Korean influence, a KPop influence. Beyond Zero came from dance community. Kami we had that hiphop influence and we are proud of it. And we really think na ‘yung pagiging good namin sa hiphop community ang magbibigay ng edge to go global.”

Sinabi pa ni Andrei na naniniwala siya sa kakayahan ng kanilang grupo. ”We really think that the fans, we may loose some once we have our single, but we will gain more. And we believe that. The more na pagsisikapan namin ito, the more na confident kami sa brand at sa mga sarili naming na we can actually make it.”

Bago ang virtual press conference, ipinakita ng Beyond Zero ang kanilang galing sa pagsayaw at pagkanta kaya hindi nakapagtataka kung bakit mayroon silang 1.3 billion Tiktok views simula last year dahil may maipagmamalaki naman talaga sila.

Ang bagong hitsura ng grupo ay sanhi ng maraming buwang pagsasanay hindi lamang sa pagkanta, pagsayaw, kundi pati ng kanilang personalidad.

Ayon kay John Brian Diamante, CEO ng House of Mentorque, hindi biro ang pinagdaanan ng grupo. Kaya naman nagpapasalamat siya sa mga tumulong para maisakatuparan ang lahat ng pangarap nila sa Beyond Zero. ”Nagpapasalamat kami sa lahat ng parents, relatives and friends. Beyond Zero will always be proud to be part of the digital influencers community here in the Philippines,” ani John.

Pangarap ng Mentorque na maging global ang Beyond Zero. Pero bago nila kinuha ang grupo, sinabi ni John na, ”There were hesitation to take Beyond Zero from the beginning. It’s because we are very conservative country and this is the first time that a boy group na may album. And we are proud of that. And because of that exclusivity and diversity, I think makikita ng mga Pinoy at ng global fans na pwede pala. They can do it also and pwede nila magawa.

“There are a lot of LGBT influencers na gumagawa ng pangalan and ito ‘yung unique sa Beyond Zero at ang roots niya na PPop at Pinoy talent at Pinoy music, lalong-lalo na we are working with a lot of really good artists para sa grupo. We are very excited doon sa kanilang single dahil mayroon na at maririnig nila iyon sa aming digital concert. “

Ang Beyond Zero ay nakabuo na ng una nilang single, ang Reach the Top kasama ang award-winning-singer-songwriter na si Quest. Kasalukuyan din silang nagsasanay pa para  mahasang mabuti ang kanilang kakayahan at ito ay naka-dokumento at ipakikita sa anim na bahagi ng documentary series sa KTX.ph sa December 18, 2021, na iho-host ni Jessy Mendiola.

Sa bawat episode, mas malalaman ang mga personal na buhay at mga sakripisyo bilang isang grupo para maabot ang mga bagay na tinatamasa nila ngayon.

Kasabay ng launching at bagong single ang announcement ukol sa kanilang concert na gagawin sa Disyembre 3 at mapapanood sa KTX.ph. Makakasama ng Beyond Zero ang Sexbomb DancersManeuversAce RamosMars Miranda, Quest, at JROA.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang …

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa …

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …