Sunday , November 3 2024
Bongbong Marcos, BBM, Comelec

Petisyon sa kanselasyon ng COC ni BBM bakit ngayon lang?

BULABUGIN
ni Jerry Yap

MASYADO talagang mainit ang pagtakbo ni dating Senador Bongbong Marcos (BBM).

Sa simula pa lamang ng paghahain ng kanyang certificate of candidacy (COC) ay inulan na siya ng batikos  — anak ng diktador, masarap ang buhay sa nakaw ng tatay, pekeng diploma o certificate at iba pa.

Dahil sa mga akusasayon na ‘yan, umuusok ang social media.

        Pero sabi nga, sa politika at entertainment world, negatibo man o positibo ang komento basta ang importante, pinag-uusapan para tumampok ang pangalan at magkaroon ng name recall.

        Pero sa kaso ni BBM, hindi na niya kailangan ang name recall — Marcos nga e!

        Heto ngayon ang bagong isyu — may moral turpitude si BBM dahil siya umano ay convicted na ‘tax evader’ kaya hindi siya puwedeng maging presidential bet sa 2022 elections.

        ‘Yan ang sabi ng mga petitioner.

“Marcos is not eligible to run for any public office as he is, plainly, a convicted criminal,” ayon sa political detainees, human rights at medical organizations sa kanilang 57-pahinang Petition to Cancel or Deny Due Course the COC laban kay Marcos.

Sabi ng mga petitioner, naglalaman ang COC ni Marcos ng ‘multiple false material representations.’

“Specifically, Marcos falsified his Certificate of Candidacy (COC) when he claimed that he was eligible to be a candidate for President of the Philippines in the 2022 national elections when in fact he is disqualified from doing so,” pahayag ng petitioners.

        Sabi nila may tax evasion conviction noong 1995 si BBM dahil sa kabiguang maghain ng kaniyang income tax returns (ITR) noong siya’y gobernador at bise-gobernador ng Ilocos Norte mula 1982 hanggang 1984.

Batay sa Rule 23 ng Comelec, ang tanging batayan para sa petisyon upang kanselahin ang COC ay “any material representation contained therein as required by law is false.”

Batayan sa disqualification ang pagiging convicted sa anomang “crime involving moral turpitude.”

Nakasaad sa petisyon na may pagkakautang si Marcos sa gobyerno na P203.8 bilyon estate tax.

“This massive P203.8 billion is the Filipino peoples’ hard-earned money lost.”

Kabilang sa petitioners sina Father Christian Buenafe ng Task Force Detainees; Fides Lim ng Kapatid; Ma. Edeliza Hernandez ng Medical Action Group; Celia Lagman Sevilla ng Families of Victims of Involuntary Disappearance; Roland Vibal ng Philippine Alliance of Human Rights; at Josephine Lascano ng Balay Rehabilitation Center.

Ang abogado ng petitioners ay si Theodore Te, isang human rights lawyer mula sa Free Legal Assistance Group at dating spokesperson ng Supreme Court.

Only in the Philippines lang talaga!

E bakit naman noong tumakbo sa ibang posisyon si BBM walang nagpetisyon? Wala rin lalong naghabol nang siya ay manalo sa eleksiyon? At komo presidential aspirant ngayon at sabi nga ‘e ‘feel na feel’ ang lakas ng name recall hindi nakapagtatakang mayroong maghabol? Ganoon ba ‘yun? 

        Ang tanong ngayon, ano ang desisyon ng Comelec diyan?! Sana naman ay bilisan ng Comelec ang desisyon para makaapela sa Supreme Court kung saka-sakali si BBM.

        Hindi ba’t ganyan din ang nangyari kay Erap dati? Pero lusot pa rin.

        Pansamantala, abangan natin ang mga susunod na kabanata…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …