Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albie Casiño, Alexa Ilacad

Pagka-bossy ni Alexa bibinggo na kay Albie

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MUKHANG si Alexa Ilacad naman ngayon ang makakabangga ni Albie Casiño sa loob ng Pinoy Big Brother house dahil sa peanut butter.

Bukod dito ay napansin na ng co-housemates ni Alexa tulad nina Madam Ynutz, TJ Valderrama, Brenda Mage at iba pa na may pagka-bossy ang aktres.

Habang nakahiga sa kama sina Albie at Eian Rances, Kumu streamer ay nagkakuwentuhan ang dalawa tungkol kay Alexa habang nakikinig naman si Brenda Mage.

Ayon sa aktor, hindi naman masyadong kailangan ang peanut butter lalo’t P255 ang halaga nito na maliit lang ang bote. Isang kilong manok na raw ang mabibili sa nasabing halaga. Nagki-crave kasi si Alexa ng nasabing palaman.

Sabi ni Albie, ”Hindi talaga. Please, no! I will fight someone for that.”

Tanong ni Eian, ”Anong nangyari sa peanut butter kanina?”

”Wala, deadma sa ‘kin ‘yun. Next time ko na babawian ‘yun,” sagot ni Albie habang nagkukuyakoy.

Balik-tanong ni Eian, ”Why naman ganOOn, bro?” “Eh in-ano niya talaga eh, sinabi niya, ano niya ‘yun, bigay na raw sa kanya ‘yun kasi.”

“Bakit? Bakit kailangang ibigay sa kanya? Eh lahat naman tayo nandito, ‘di ba? It’s supposed to be, ‘di ba? Lahat naman tayo nahihirapan dito hindi lang naman siya,” diing katwiran ng binata.

“Nagkasagutan pala kayo?” tanong ulit ni Eian.

Say ni Albie, “Kami?”

“About dun sa peanut butter?” sabi ni Eian.

“Hindi. Hindi ko na siya sinasagot. Medyo ayoko kung paano siya umasta rito sa bahay. Hindi niya bahay ‘to. Kailangan niyang alalahanin ‘yan. Ano, porke’t matagal na siya sa industriya ganyan siya umasta? (pinutol dahil may sinabing hindi maganda) matagala na rin naman ako sa industriya, hindi naman ako ganyan umasta,” pangangatwiran ni Albie.

“Ano na lang, patience na lang tayo. Patience na lang kaysa sumabog,” payo naman ni Eian sa katabi.

At dito naaala ni Albie na isang umaga ay tinabig siya ni Alexa.

“May isa pang beses na may kinukulo siya sa umaga, ‘yung parang ginger, whatever. Nakatayo lang ako roon tapos ginanun niya ako, pinatabi niya ako. (itinulak) sabi niya, ‘Mine!’”

Ipinakita ang video na itinulak ni Alexa si Albie at sinagot ng aktor ng, ‘no one’s gonna eat that. That’s fine.’

“Dude, ayoko siya kung paano siya umasta rito. At saka hassle pa kasi siya pa ‘yung pinaka-kilala ko rito. Happy pa ako noong una na makakasama ko siya… Ta’s siya pa ‘yung pinaka-irita ako sa lahat,” paliwanag muli ng aktor.

Nabanggit pa na nagtatago ng pagkain si Alexa sa cabinet. Pero sabi naman ng ibang housemates ay pag-aari naman ng dalaga ang mga itinagong pagkain.

Hirit ni Albie, ”Paano naging kanya ang peanut butter, ‘di ba? Nakapawalanghiya mo naman. Lahat tayo rito gutom.”

Samantala, walang alam si Alexa na siya na ang pinag-uusapan ng kapwa housemates at posibleng magkaroon sila ng paghaharap ni Albie isa sa mga araw na ito sa confession room.

Oo nga pansin din ng viewers na bossy si Alexa at mahilig kumain.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …