Saturday , November 16 2024

Rider, pedestrian dedbol sa motorsiklo

ISANG motorcycle rider at pedestrian ang binawian ng buhay, habang sugatan ang babaeng angkas sa motorsiklo sa nangyaring aksidente sa tulay kamakalawa sa Taguig City.

Kinilala ang mga biktima na sina Richard Villan, 39 anyos, self-employed, residente sa Damayan, Taytay, Rizal, driver ng CBR 150 Motorcycle, may plakang ND 71958; at Novem Abelong, 31 anyos, binata, pedestrian, residente sa Plaridel, Bulacan.

Minor injury ang pinsala ng back rider at kinakasama ni Villan na si Alma Albaro, 48 anyos.

Sa ulat ni P/SMSgt. Luthgarda Osea, imbestigador ng Taguig City Police, naganap ang insidente sa Commando Bridge, C-5 Road southbound lane, Brgy. Pinagsama sa nasabing lungsod, dakong 8:30 pm.

Sa inisyal na imbestigasyon, mula sa Market Market binabagtas ng motorsiklo ang C-5 Road patungo sa Taytay, Rizal sakay sina Villan at Albaro.

Ngunit pagsapit sa tulay, nahagip ang tumatawid sa kalsada na kinilalang si Abelong.

Ayon sa pinsan ni Abelong, nakaladkad ng naturang motorsiklo ang biktima ng hanggang 20 metro ang layo na nagresulta ng agarang pagkamatay ng biktima.

Bukod kay Abelong, iniulat din ng awtoridad na namatay ang rider na si Villan dahil sa insidente habang bahagyang nasugatan ang angkas nitong si Albaro. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …