Wednesday , December 25 2024

Most wanted rapist nasakote

ISANG 45-anyos akusado sa panghahalay sa isinagawang ang nasakote sa manhunt operation kontra most wanted persons (MWPs) sa Las Piñas City nitong 31 Oktubre.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, Brog. General Jimili Macaraeg ang akusado na si Arnel Gabad, 45 anyos, residente sa Barangay Elias Aldana, Las Piñas City.

Tinaguriang top 4 most wanted person ng Las Piñas City Police si Gabad para sa huling bahagi ng 2021.

Dakong 9:00 am nitong Linggo, isinagawa ang pag-aresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section at Station Intelligence Section sa akusado sa kanyang tirahan.

Dinakip si Gabad sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape na inisyu ng Morong, Rizal Regional Trial Court Branch 79 sa ilalim ng Criminal Case No. 14-12070.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ni Gabad.

Nakapiit ang akusado sa custodial facility ng Las Piñas City. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …