Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach, Tara Game Agad Agad

Aga ratsada sa TV shows at pelikula;
Game show sa Net25 mapapanood na

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

KASAMA si Aga Muhlach sa NET 25 Station ID 2021 na napapanood ngayon sa YouTube channel ng network dahil may game show siyang Tara Game Agad Agad.

Let’s Net Together sa NET 25 ang titulo ng kanta na mabilis tandaan at bukod kay Aga ay may show din sina Alex Calleja, Nadia Montenegro, Eric at Epy Quizon, Jojo Alejar, News Anchor na si Alex Santos, Ali Sotto.  Dati namang may mga programa na sina Robin Padilla, Aicelle Roces, Ruru Madrid, Pia Guanio, Jon Lucas, Vina Morales,at Ms Pilita Corrales.

Nagpadala kami ng mensahe kay Aga sa Facebook account niya kung kailan ang airing ng Tara Game Agad Agad.

“Long time! Kamusta?! We tape this week for our pilot. So I’m thinking we air 2nd weekend of nov. Not sure yet but I’ll let you know,” sagot sa amin.

Samantala, mukhang ratsada si Aga dahil bukod sa game show niya sa NET 25 ay may Masked Singer Pilipinas taping siya sa TV5 base sa Instagram post niya three days ago na ipinakita niya ang mga damit na susuotin at sapatos na ang caption niya ay, “back to work  #goodtimes.”

Komento naman ng host ng Masked Singer Pilipinas na si Billy Crawford sa mga gamit ng aktor, “And you will wear 2 outfits out of the 1000 (emoji big laughing face).”

Isa si Aga sa judge ng Masked Singer Pilipinas at kasama niya sina Kim Molina, Cristine Reyes, at Matteo Guidicelli na produced ng Sari Sari, Cignal, at Viva Entertainment.

Samantala, sabi namin na bukod sa telebisyon ay mapanood din sana ulit siya sa pelikula.

“There’s also a talk show I’m doing so bale 3 shows (emoji heart) movie we start filming next year and a sitcom. Ingat reg!!!” say ni Aga sa amin na mukhang nasa shoot kaya nagmadali na.

Sa madaling salita ratsada ang aktor simula ngayong huling quarter ng 2021 at magiging abala siya sa buong 2022.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …