Gagawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino ng Kampeon ng Wika 2021 si Nora C. Villamayor aka Nora Aunor dahil sa kaniyang hindi matatawarang ambag sa larangan ng pelikulang Pilipino na sumalamin sa búhay ng mga mamamayang Pilipino.
Siyá ay isang batikang artista, mang-aawit, prodyuser, at nakatanggap ng iba’t ibang parangal mula FAMAS Award, Gawad Urian Award, Metro Manila Film Festival, Luna Awards, Gawad Tanglaw, at iba pa.
Kinilála sa bansa at international community ang kaniyang mga pelikulang: All Over The World; Guy and Pip; Lollipops and Roses; My Blue Hawaii; And God Smiled At Me; Carmela; Fe, Esperanza, Caridad; Erap Is My Guy; Super Gee; Banaue; Niño Valiente; Tatlong Taóng Walang Diyos; Minsa’y Isang Gamu-Gamo; Kaming Matatapang Ang Apog; Bakekang; Little Christmas Tree; Pag-ibig Ko’y Awitin Mo; Atsay; Ikaw Ay Akin; Huwag Hamakin: Hostess; Mahal Mo, Mahal Ko; Ina Ka ng Anak Mo; Annie Batungbakal; Bona; Kastilyong Buhangin; Himala; Till We Meet Again; I Love You Mama, I Love You Papa; Halimaw; Penoy Balut; Bilangin Ang Bituin Sa Langit; Andrea, Paano Ba Maging Isang Ina?; Ang Totoong Búhay ni Pacita M; The Flor Contemplacion Story; Babae; Naglalayag; Thy Womb; Ang Kuwento Ni Mabuti; Dementia; Kinabukasan; Padre De Pamilya; Taklub; Hinulid; at Tuos.
Kikilalanin din ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika bílang Kampeon ng Wika dahil sa adbokasiya na nagpapahalaga sa wikang Filipino at panitikan. Ang Tanggol Wika ay may halos 800 rehistradong kasapi na binubuo ng alagad ng wika, edukador, mananaliksik, at mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad sa buong bansa.
Tuloy-tuloy na isinasabalikat ng Tanggol Wika ang pag-aambag sa adbokasiyang pangwika sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga interdisiplinari/multidisiplinaring lektura, forum, webinar, atbp. sa wikang Filipino; paglo-lobby sa mga ahensiya ng gobyerno at sangay lehislatibo pára sa mga adbokasiyang pangwika (mula MTB-MLE sa DepEd hanggang sa pagpapabalik ng asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo); pagbubuo ng mga makabuluhang materyal na panturo sa wikang Filipino at sa ibang larangang maituturo sa wikang Filipino gaya ng Kasaysayan, Araling Pangkultura, atbp.; at pagtataguyod ng mga makabuluhang repormang sosyo-ekonomiko sa pamamagitan ng puspusang paggamit ng Filipino sa mga napapanahong pahayag, praymer, atbp.
Magaganap ang makasaysayang araw na ito sa 9 Nobyembre 2021, ganap na 10:00 NU—12:00 NT SA Legazpi Ballroom Makati Diamond Residences, Brgy. San Lorenzo, Legazpi Village, Lungsod Makati at naka-live stream sa Live sa www.facebook.com/komfilgov
Check Also
Atasha nakasungkit 2 award sa PMPC 16th Star Awards for Music
MATABILni John Fontanilla WAGING-WAGI ang magandang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalesna si Atasha Muhlach sa katatapos na 16th Star …
Kris Lawrence pinasalamatan mga taong sumuporta sa 18 taon ng career
MATABILni John Fontanilla NAGBALIK-TANAW at pinasalamatan ng R&B Prince of Pop Kris Lawrence ang mga taong naging …
Tim Yap patok ang pa-Halloween party sa mga artista
I-FLEXni Jun Nardo ALL Saint’s Day ngayon araw. Nobyembre 1. Kaya naman naglabasan na naman …
Kathryn ‘di nagpahuli Zimono dolls idinispley
I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY na rin ang aktres na si Kathryn Bernardo sa doll craze nang idispley …
Ate Vi sa kanyang kaarawan: malusog na katawan at mahabang buhay
HATAWANni Ed de Leon SA Linggo pa naman iyon, pero gusto na naming ipaabot ang …