Friday , November 22 2024
Baron Geisler, Barumbadings

Baron Geisler, ipinahayag na ‘di lang isang simpleng gay film ang Barumbadings

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAPAPANOOD sa kakaibang role sina Jeric Raval, Mark Anthony Fernandez, at Baron Geisler sa kanilang bagong pelikulang pinamagatang Barumbadings. Bibigyan ni direk Darryl Yap ng twist ang kanilang pagiging barumbado at makikilala sina Raval, Fernandez, at Geisler bilang Barumbadings.

Sa panayam kay Baron, iginiit niyang hindi lang basta isang gay film ang kanilang pelikula.

Esplika ng mahusay na aktor, “Ang naging conflict lang with me is my faith, kasi nga parang I really asked a question and prayed to God. ‘Why should I do this gay film again? Is it promoting things that are indiferrent?’ Parang ganoon…”

Dagdag pa ni Baron, “But eventually when I look into the script further down deep into this concept, I said, ‘Maybe, people will come to realize that it’s not just a gay film, it’s about people na hindi dapat pumayag na tapakan… mapa-lalaki, mapa-babae, mapa kung anong gender, basta alam mong mayroon kang integridad sa buhay, mayroon kang tamang goal, then huwag tayong pumayag na tapakan tayo ng tao or ilaglag.

“So, this film for me is about fighting for integrity, it’s not a gay film, it is more than that, it’s genderless.”

Ang comedy-action movie ay hindi lang umiikot sa kanilang tatlo. Ang award-winning actor na si Joel Torre ay bibida rin dito bilang si “Mother Joy”. Siya ay gumaganap na isa ring bakla na kumupkop kina Izzy (Jeric), Jopay (Mark), at Rochelle (Baron).

Si Joy ay isang sikat na fashion designer na may-ari ng dress shop na House of Joy. Kahit bruskong tignan dahil sa kanyang bigote at balbas-sarado, siya ay may malambot na puso, maawain at mapagpatawad. Hindi niya pinapatulan ang mga nangbu-bully sa kanyang pagiging bakla. Kinupkop niya sina Izzy, Jopay, at Rochelle upang ilayo sa gulo, at sa halip ay ipakilala sa mundo ng beauty pageants.

Si Izzy ay mukhang Haponesa, marunong ng Samurai skills, kaya’t walang takot kahit kanino. Tahimik lamang si Izzy, sa katunayan ay hindi nga siya nagsasalita. Tulad ni Izzy, si Jopay ay isa ring tigasing bading. Hindi siya paaapi. Maganda ang kanyang mga mata, na nagagamit niya sa pagiging sharp-shooter. Si Rochelle ang ikatlong alaga ni Joy. Lagi itong may lollipop sa bibig. Ngunit hindi tulad ni Joy na malambing, si Rochelle ay tigasin at magaling sa Mixed Martial Arts.

Simula Nov. 5, 2021, mapapanood na ang Barumbadings sa Vivamax. Kasama rito sina John Lapuz bilang Queenpin, isang bakla, at si Cecil Paz bilang Buchi, isang tomboy. Dati silang magkarelasyon na naging mortal na magkaaway. Sila ang rason kung bakit nasangkot sa karahasan sina Izzy, Jopay, at Rochelle.

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …