Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz, Aljur Abrenica, Kylie Padilla, BB Gandanghari

Ogie Diaz inalmahan si BB Gandanghari — Sino ka para magsabi kung ikaw mismo ‘di marunong magtago?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

HININGAN ng reaksiyon ang tiyahin ni Kylie Padilla na si BB Gandanghari  ng netizens na nanood ng kanyang pa-live streaming sa Instagram kamakailan tungkol sa gulo ng pamangkin sa dating asawang si Aljur Abrenica.

Walang alam si BB kaya nagpakuwento siya sa netizen at nang malaman ay at saka niya pinayuhan ang dalawa ng, “Being younger that you are, try to keep your dirty linen in the washroom. I’m sure you know what I mean. Try to keep things in private as much as possible kasi may mga anak kayo, unang-una. So, ’yun lang. ’Yun lang ang masasabi ko kasi very sensitive ang subject. I think what they need to think about now are the children.”

Pero inalmahan ito ng vlogger cum manager na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update kasama sina Mama Loi at Tita Jegs.

“Sabi niya ‘wag na lang daw magpagpagan ng dumi sa public. Siya talaga nagsabi niyon?

“Dapat in-advice din niya ‘yan sa sarili niya, ‘di ba? Paano ka naman pakikinggan? Kunwari, Parang ano lang ‘yan eh, isang manginginom, ‘Uy ‘wag kang iinom ah,’ susundin mo ba ako?

“Kung maririnig ito ng iba na si BB sinasabihan ang kanyang pamangkin at si Aljur na itago niyo na lang ‘yung dirty linen niyo, ‘wag niyo na ipagpag sa public.

“Eh sino ka BB para magsabi ng ganyan sa kanila kung ikaw mismo hindi ka marunong magtago? Pinapagpag mo rin o ibinubuko mo rin in public with payment!”diretsong sabi ni Ogie.

Ang binabanggit ni Ogie ay ang Tell All ni BB Gandanghari sa kanyang YT live na para mapanood ito ay may babayarang membership fee.  Sa madaling salita, pinagkakitaan ng huli ang tungkol sa buhay niya.

Pinaalalahanan naman ni Mama Loi si Ogie na baka siya naman ang i-bash sa mga sinabi niyang ito.

 “Yaan mo, wala namang sinabi sa aking maganda ‘yan kaya okay lang. Feeling niya inapi ko siya noong araw, okay lang. Baka nga ma-shock ako ‘pag pinuri pa ako ni BB.

“Ako, walang problema. Kay Rustom ako, okay. Noong naging BB Gandanghari, wala na si Rustom. Rustom is dead,” sagot ni Ogie.

So, hindi pa rin pala matatapos ang isyung Aljur at Kylie hangga’t may nagsasalita tungkol sa kanila at hindi rin kami titigil sa kasusulat ng updated stories tungkol sa kanila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Rhodessa Montano Belen

Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 Rhodessa Belen tinulungan Philippine Delegates; Korona ipinasa sa bagong reyna

PORMAL nang nagtapos ang reign ni Rhodessa Montano Belen bilang Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 o sa ginanap na Mrs. …

Piolo Pascual Manilas Finest

Manila’s Finest minarkahan ikatlong sunod na MMFF project ni Piolo 

HARD TALKni Pilar Mateo NINEETEEN sixty nine. Ten years old ako. Elementary.  Aware naman na …

MMFF MMDA

MMDA pinamunuan premiere night ng 8 kalahok sa MMFF 2025  

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ng Metropolitan Development Authority (MMDA) ang patakarang ngayon sa mga premiere night ng …

Derek Ramsay The Kingdom

The Kingdom gagawing TV series, Derek Ramsay magbibida

I-FLEXni Jun Nardo GAGAWING TV series ang pelikulang The Kingdom na pinagbidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascualna ipinalabas last …

Celesst Mar

Fil-Am singer-songwriter iiwan America para sa local showbiz career

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAHILIG sa dagat at malaking bahagi ng kanyang musika ay nagpapakita …