INATASAN ni Metropolitàn Manila Development Authority (MMDA) chairman, Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., ang mga miyembro ng Road Emergency Group upang magsasagawa ng random o on-the-spot breathalyzer test sa mga driver ng bus upang matukoy kung sila ay nasa ilalim ng impluwensiya ng alak.
Sinabi ni Abalos, hindi papayagang magmaneho ang mga driver na bumagsak sa pagsusulit.
Dapat tiyakin ng mga bus operator na nasa kondisyon ang kanilang mga bus at fully vaccinated na ang kanilang driver bago sila payagang bumiyahe.
Samantala, inilinaw ni Abalos na mananatiling suspendido ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding para sa lahat ng sasakyan at truck ban.
Matatandaang naunang nag-inspeksiyon si Abalos sa mga sementeryo sa Metro Manila tatlong araw bago ito isara para sa paggunita ng Undas ngayong taon. (GINA GARCIA)