Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez

Sylvia pahinga muna sa teleserye — Wala na akong maibibigay, sobra akong na-drain kay Barang

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MINSAN nang naikuwento sa amin ni Sylvia Sanchez na magpapahinga muna siya sa paggawa ng teleserye pagkatapos ng Huwag Kang Mangamba. Ang dahilan: masyado siyang napagod kay Barang.

At sa finale mediacon ng Huwag Kang Mangamba nabanggit niya ang kagustuhang magpahinga muna sa showbiz pagkatapos ng Huwag Kang Mangamba na tatlong lingo na lamang mapapanood.

“Okay na. Naka-off na si Barang sa akin,” aniya. ”Magpapahinga ako. Talagang sobrang pahinga ngayon. Grateful ako sa role na Barang, pero nakakapagod siya, sobra,” paliwanag ng magaling na aktres.

“After nito, kinausap ko na si Direk Ruel Bayani), pahinga muna ako,” ulit nito. “Sobrang na-drain talaga ako emotionally, physically kay Barang.”

Sinabi pa ni Sylvia na, ”Sa susunod na teleserye na io-offer sa akin, parang feeling ko, wala na akong maibibigay pa na bago, kasi drained ako rito sa Barang, napagod ako nang sobra. Gusto kong magpahinga kahit six months to one year, para sa susunod na may i-o-offer, may bago naman akong maipakikita,”  giit pa ni Sylvia na aminadong dream role niya ang karakter ni Barang.

Binanggit pa ni Sylvia na pagkatapos niyang gawin ang The Greatest Love noong 2016 wala siyang halos pahinga dahil nasundan ito ng La Luna SangreHanggang Saan, at Pamilya Ko. At sumunod din agad ang Huwag Kang Mangamba.

“After niyon, ito na. So, hinga muna. Hinga muna. Relax na muna ako. Maglalagi muna ako sa probinsiya. Iyon ang nasa utak ko ngayon. Rest muna. Para pagbalik ko, may bago kayong makita, at hindi talo ‘yung producer na mag-aalok sa akin ng bagong role.”

Samantala, sa huling tatlong linggo, totodo na sa kahi­bangan si Eula Valdez. Nanganganib ang misyon nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) kay Bro dahil sa lumalaking sigalot ng mga nananampalataya at mga nagbubulag-bulagan. Abangan ang laban ng kabutihan at kasamaan sa Huwag Kang mangamba sa Kapamilya Channel, TV5Kapamilya Online LiveiWantTFC, TFC, at iflix.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …