HINIKAYAT ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga Filipino na samantalahin ang programa ng International Organization for Migration (IOM) para sa libreng bakuna kontra CoVid-19.
Sa harap ito ng naitatalang mga bagong kaso ng infection sa nasabing bansa.
Ayon sa Embahada, maaaring gamitin ng overseas Filipino workers (OFWs) ang kanilang iqama at pasaporte, gayondin ang Embassy ID sa kanilang pagpaparehistro.
Maaari anilang gamitin ang naturang mga ID kahit hindi na ito valid basta’t malinaw ang nakalagay na pangalan at petsa ng kapanganakan. (GINA GARCIA)