Sunday , November 3 2024

Abala sa eleksiyon
DUTERTE DEADMA SA DUSA NG BAYAN SA OIL PRICE HIKE

102821 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

ELEKSIYON sa susunod na taon ang pinagkakaabalahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at walang pakialam sa pagdurusa ng bayan sa kada linggong pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), kahit kabi-kabila ang protesta at panawagan ng mamamayan kay Duterte na gawin ang lahat para maibaba ang presyo ng langis, hanggang ngayon ay wala siyang tugon at sa halip, abala ang rehimen sa eleksiyon at kung paano mananatili sa kapangyarihan ang pangulo.

Sa ika-siyam na linggo ng sunod- sunod na pagtaas ng presyo ng langis ay umabot sa P20.75 kada litro ang itinaas ng presyo ng gasolina, P18.45/ litro sa diesel at P16.05/ litro sa kerosene ngayong taon.

“Sukdulan na ang kapabayaan at kapalpakan ng rehimeng ito. Bingi at bulag (ito) sa hirap na ating dinaranas. Kaya nananawagan ang Kilusang Mayo Uno sa lahat ng mamamayang Filipino na ubos-lakas na kalampagin ang natutulog at walang pakialam na si Duterte,” anang KMU sa isang kalatas.

Nanawagan ang KMU kay Duterte na alisin ang buwis sa langis para bumaba ang presyo nito, ipatigil ang overpricing ng malalaking kompanya, ibigay ang 10K ayuda para sa lahat ng pamilyang Filipino na hirap na hirap na dahil sa pandemya.

About Rose Novenario

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …