Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Niana Guerrero, DJ Loonyo

DJ Loonyo wish maka-collab si Niana Guerrero

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni DJ Loonyo kamakailan sa show namin sa FYE Channel sa Kumu na Showbiz Cafe, tinanong namin siya kung sino ang mga hinahangaan niya pagdating sa pagsasayaw. Kilala at sikat kasi siya bilang isang dancer.

Ang sagot niya, ”Marami! Noong elementary ako, Streetboys, Maneuvers, UMD (Universal Motion Dancers). Right now, andyan pa rin po. For me, pinakamagaling na perfomer/dancer, si Sir Gary V (Valenciano) pa rin.”

Nalaman din namin na nagsimula pala si DJ Loonyo bilang back-up dancer. Sa ASAP Natin ‘To, naging back-up dancer siya nina Maja Salvador at Rayver Cruz noong bahagi pa ng nasabing musical varietry show ang dalawa.

Natutuwang ikinuwento niya na si Rayver ay nakasama niya na ulit na magsayaw. Pero hindi bilang back-up dancer lang nito, kundi sila ang bida sa isang production number at may back-up dancers sila. Nakasama na rin niya si Billy Crawford na magsayaw sa Laugh Out Loud (LOL).

Pangarap naman niyang maka-collab sa pagsasayaw si Niana Guerrero dahil napakagaling nito sa pagsasayaw. Si Niana ang isa sa itinuturing na Superstar sa social media.

Samantala, hinahalintulad ni DJ ang buhay sa isang roller coaster na minsan ay nasa itaas, minsan nasa gitna at nasa ilalim. 

Sumang -ayon din siya sa amin that social media can make and break you. 

Pero natutunan na lang niya ang i-handle anumang intriga basta para sa kanya ang importante ay marami pa ring sumusuporta sa kanya. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …