I-FLEX
ni Jun Nardo
SIMPLENG, ”I’m happy for her!” ang tweet ni senatoriable Herbert Bautista at post sa kanyang Facebook.
Walang pangalang binaggit si Herbert pero tila alam na ng netizens kung sino ang tinutukoy niya, si Kris Aquino! Naging positibo ang naging reaksiyon ng ilan niyang followers dahil bagong salta pa lang sa Twitter si Bistek.
Engaged na kasi si Kris sa kanyang fiancé na dating official ng DILG. Naging hot item din noon sina Herbert at Kris pero hindi nauwi sa ibang level ang kanilang friendship.
Of course, malamang na isama ni Kris si Herbert sa list ng kanyang ibobotong senador next year dahil naging maganda naman ang kanilang friendship, huh!