Saturday , November 16 2024
dead gun

Sekyu natagpuang patay sa tabi ng sariling boga

INIIMBESTIGAHAN ng mga elemento ng Taguig City Police ang pagkamatay ng isang guwardiyang natag­puang duguan sa loob ng inuupahang bahay sa nasabing lungsod .

Kinilala ang bikti­mang si Richard Hernan­dez, nasa hustong gulang, binata, residente sa Lot 1 Block 35 Castillo St., Purok 5A, Upper Bicutan, Taguig City.

Ayon sa ulat ni P/EMSgt. Elmer Villar, imbestigador, dakong 9:25 am nadiskubre ng boardmate na si Joselito Samaniego, security guard, ang biktima na walang buhay at naliligo sa sariling dugo sa loob ng kanilang kuwarto sa Lot 1 Block 35 Castillo St., Purok 5A, Upper Bicutan.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, batay na rin sa pahayag ni Samaniego, hinahanap niya ang biktima na naiuwi ang inisyung handheld radio mula sa kanilang opisi­na.

Dito niya natag­puan ang biktima na wala nang buhay at duguan ang ulo habang malapit sa kanang kamay ni Hernandez ang isang caliber 9mm baril kaya pinagsusu­petsahang nagbaril sa sarili.

Sinabi ni Sama­niego, wala silang nari­nig na putok ng baril mula sa labas ng bahay ng biktima.

(GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …