Friday , November 22 2024
911 emergency call center, ilulunsad sa Bulacan Micka Bautista

911 emergency call center, ilulunsad sa Bulacan

GAGANAPIN sa dara­ting na Huwebes, 28 Oktubre, ang paglu­lunsad ng 911 Emergency Hotline sa Bulacan Capital Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, na layuning palakasin ang proyektong Bulacan Rescue na aalalay sa mga Bulakenyo sa panahon ng sakuna.

Maaari nang itawag ang mga emergency kabilang ang medikal, (atake sa puso, stroke atbp.), aksidente, sunog, gumuhong gusali, at mga natural na sakuna gaya ng baha, bagyo, at lindol na nangangailangan ng agarang responde.

Nakasaad sa Executive Order No. 56, T’2018 na itinatalaga ang 911 bilang pambansang hotline na maaaring tawagan sa panahon ng sakuna at inaatasan din ang lahat ng pama­ha­laang lokal na magkaroon ng lokal na 911 call center na libre ang pagtawag, sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government (LGU) at Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT).

“This will not defeat the purpose of the Bulacan 566, pwede pa rin pong tawagan ang numerong ito para sa pagresponde sa mga emergency 24/7. Ito pong ilulunsad natin na 911 hotline ay katuwang ng 566 sa pagpapanatili ng pampublikong kaayusan at seguridad at pagpigil sa kriminalidad.  Ngayon po sa pag-dial ng 911, kahit walang load, walang problema, mas pinabilis din po and waiting time dahil sa Go Live,” ani Bulacan Gov. Daniel Fernando.

Aniya, sa pamamagi­tan ng Go Live 911 gamit ang software na Touch­point, direktang maitata­wag sa mga pinakamalapit na reresponde ang emergency upang higit na masuri ang sitwasyon at mapabilis ang pag­res­ponde.

Ayon sa PDRRMO, nakapagsagawa na sila ng PLDT 911 Seminar-Orientation noong 8 Nobyembre 2019; sertipi­kado na rin ang lahat ng empleyado ng C4 bilang Emergency Communicator noong 23 Disyembre 2019; nakapagsagawa ng Emergency Telecommunicator Certification Training noong 13 hanggang 17 Enero 13, 2020; nag-inspeksiyon na rin ang Emergency 911 national office ng DILG sa pama­halaang panla­lawigan para sa aplika­syon nito sa lokal na paggamit ng 911 hotline noong 21 Hunyo 2021 at ito ay naaprobahan.

Nitong 12-15 Oktubre, sumailalim ang mga empleyado ng Bula­can Rescue sa pagsasanay sa Call Handling at Emergency Dispatch para sa Bulacan 911 Operation.

“Handa na po ang ating Bulacan Rescue upang magserbisyo sa ating mga mamamayan. Hinihiling lang po natin sa ating mga kababayan na gamitin ang hotline 911 sa mga lehitimong emergency, ‘wag po nating gamitin sa panloloko kasi puwedeng sa oras ng pagtawag ng manloloko ay meron talagang may emergency na hindi makapasok,” paliwanag ni Fernando.

Sasailalim ang Bulacan 911 emergency sa Bulacan Rescue – Communications, Command and Control Center (C4) ng PDRRMO.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …