Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Madam Inutz, Daisy Lopez, Wilbert Tolentino

Madam Inutz umaariba ang career

SUPER bongga ang career ni Madam Inutz (Daisy Lopez) o ang tinaguriang mama-bentang live seller ng Cavite ngayon.

Aba bago siya pumasok sa Pinoy Big Brother ay ini-release ang kanyang debut single na Inutil. Nag-record din siya ng second single niya, ang Sangkap ng Pasko.

Nangyari ang lahat ng ito dahil sa todong alaga ng kanyang manager, ang dating Mr. Gay World titlist, businessman, social media influencer, at philanthropist na si Wilbert Tolentino.

Ayon kay Madam Inutz, novelty ang una niyang kanta at ballad naman ang ikalawa.

Ayon sa mga nakarinig na ng kantang Sangkap ng Pasko tagos ito sa puso dahil na rin sa mensahe nito. Marami nga ang nakare-relate sa kanta dahil mula sa isang mahirap na tao na gaya ni Madam Inutz na ang sangkap ng Pasko ay pamilya. Siyempre pa, masarap ang feeling na sama-sama ang isang pamilya sa pagdiriwang ng Pasko.

“Promise, iiyak kayo sa song na ito. Sobrang mata-touch ang mga Pinoy. Sobrang makare-relate sila na ang sangkap o ingredient ng Pasko ay ang pagmamahal sa pamilya,” ani Ka-feshness Wilbert.

Umiyak din ang ina ni Madam Inutz nang marinig ang Sangkap ng Pasko dahil dama niya ang hugot ng kanta, gayundin ang kalahagahan ng pamilya.

Lumabas na ang official music video ng Sangkap ng Pasko sa YouTube Channel ni Daisy Lopez .


Regalong bagong bahay at lupa

Samantala, walang tigil ang sorpresa ni ka-freshness Wilbert sa kanyang alaga. Bago pala napasok sa PBB si Madam Inutz ay binigyan siya ng bahay at lupa ng kanyang manager sa Bulacan. Kaya naman naiyak sa tuwa si Madam Inutz.

Mapapanood sa Wilbert Tolentino vlogs ang buong detalye ng regalo niyang ito

“Huwag kang umiyak. Deserved mo ‘yan, deserved mo ito,” bulalas ni Kuya Wil.

Sambit ni Kuya Wil, motivation gift niya ang bahay at lupa kay Madam Inutz para paghusayan nito ang laban sa Pinoy Big Brother para manalo.

Ang regalong bahay at lupa ay 85 square meter at ang floor area ay 55 square meter. Dalawang palapag iyon at balak ni Wil na gawing tatlong palapag para matirhan ng buong pamilya ni Daisy.

Sey pa ni Will, maraming isinakripisyo si Madam Inutz na endorsement nang pumasok ito sa PBB.

“Puwede naman siyang kumita sa labas although pinili ko na ipasok siya sa PBB,” sambit pa ni Wilbert.

Maraming inilaan na pagbabago at plano si Wil na kaabang-abang para kay Madam Inutz at sa kanyang mga supporter.

Talagang hindi na mapigilan ang pag-arangkada ng career ni Madam Inutz sa pamamahala ni Wilbert. Maski ang mga netizen na humusga sa kanya bilang manager ay naging masaya dahil napatunayan nito na may nagawa siya sa career ng kanyang talent. Bukod dito, sini-secure niya ang future ng pamilya ni Madam Inutz.

Para sa inquiries & product endorsement , makipag-ugnayan lang sa 09175INUTIL / 09175468845 o mag-email sa [email protected]. At kung gusto niyo rin ng update mag-stream sa Wilbert Tolentino VLOGS YouTube chanel at Daisy Lopez YouTube channel. (MVV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …