Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheryn Regis

SHERYN MAGPAPASABOG NG PAG-IBIG AT PAG-ASA SA LOVE UNITED

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HANDA nang magpasiklab si Sheryn Regis sa kauna-unahan niyang digital concert na Love United, na mapapanood sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV sa Oktubre 23 (Sabado) at re-run nito kinabukasan (Oktubre 24).

Ibibida ng ‘Crystal Voice of Asia’ sa enggrandeng musical event ang mga pagtatanghal na magpapakita ng pagmamahal, pag-asa, at healing.

“Maganda kasi mag-express ng songs na inspirational these days, like, you can give hope and love through a song. So the viewers can receive healing from the songs that we’re going to perform as well,” aniya sa isang MYXclusive interview.

Pag-amin ni Sheryn na nagbalik showbiz ngayong taon sa pamamagitan ng mga kantang Tulad ng Dati at Gusto Ko Nang Bumitaw, challenge na hindi makaharap ang kanyang audience, pero nangako rin siya na magiging espesyal pa rin ang experience ng mga manonood ng concert.

“Gusto kong i-assure na mafe-feel nila gaano mag-work ang mga puso namin through our singing, ma-feel nila na nasa harap lang nila kami. Na iba ito from just watching us on TV,” dagdag niya. “Digitally dadalhin ko kayo sa isang concert stage.”

Makakasama ni Sheryn sa concert ang mga guest niya na pinangungunahan ng viral sensation na si EZ Mil, Pinoy pop-rapper na si H-BOM, child singing prodigy na si Kaela Francheska, dating  Tawag ng Tanghalan finalist na si Froilan Canlas, at ang vocal trio na TNT boys kasama sina Francis Concepcion, Keifer Sanchez, at Mackie Empuerto.

Ang Love United ay handog ng ABS-CBN Events at ipinrodyus ng MAK Entertainment. Pwede nang bumili ng ticket sa concert online sa halagang P899/USD 17.99 (regular) at P1,4999/USD 30 (VIP na may kasamang access sa digital after party).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …