Saturday , April 19 2025
2022 Elections, Senate

SENATORIAL SLATE NG BAWAT PARTIDO ‘NAMUMUTIKTIK’ NA POLITICAL BUTTERFLY

BULABUGIN
ni Jerry Yap

MUKHANG walang buong line-up ang bawat partido politikal na sasabak sa eleksiyon sa Mayo 2022, gayong 12 senador lang naman iboboto.

        Kaya hindi nakapagtataka kung mamutiktik ng ‘political butterflies’ ang bawat partido.

        Sa hanay ng administrasyon, ang Dela Rosa – Go tandem ay nakahanay sina Greco Belgica, Silvestre Belo, Jr., John Castriciones, Dakila Cua, Jinggoy Estrada, Rey Langit, Gringo Honasan, at Rodante Marcolete, at Mark Villar. Siyam na kandidatong senador lang ‘yan.

        Sa oposisyon, o sa Leni-Kiko tandem, nakahanay sina Risa Hontiveros, Leila De Lima, Sonny Trillanes, Sonny Matula, Chel Diokno, Teddy Baguilat, at Alex Lacson. Pito lang ‘yan pero pupunuan pa ng mga kandidato mula a ibang partido.

        Siyempre hindi pahuhuli ang Lason-Sotto tandem. Anila, 14 ang senador sa line-up nila. Nariyan sina Richard Gordon, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, Migz Zubiri, Loren Legarda, Chiz Escudero, Minguita Padilla, at Monsour del Rosario. Hindi pa raw muna ilalabas ‘yung anim — surprise candidates daw iyon.

        Sa tiket ni Manny Pacquiao, ay naroon din si Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, Richard Gordon, Chiz Escudero, Loren Legarda, Lutgardo Barbo, Raffy Tulfo, Neri Colmenares, at Elmer Labog. Siyam rin ‘yan, kapos ng tatlo para maging 12.

        Ang Partido Lakas ng Masa (PLM) ni Leodegario de Guzman ay naroon sina Chel Diokno, Risa Hontiveros, Neri Colmenares, Elmer Labog, Leila De Lima, Luke Espiritu, Rey Cabonegro, at David D’Angelo.. UY walo lang ‘yan.

        Sa Kampo nina Isko at Doc Willie, nariyan sina Samira Gutoc, Joseph Peter “Jopet” Sison, at Carl Balita.  Ayaw ni Yorme ng line-up na basta mapuno lang slate kaya masusi pa nilang pinag-aaralan ang iba pang isasama sa kanilang slate.

        Kung baga sa karera ng kabayo, nakuumay na itong labanang ito — kasi walang bagong kabayo. Sila-sila lang din. At kahit sila, para silang nababagot na rin sa kanilang kuwadra.

Kung puwede nga lang sigurong walang eleksiyon (mas gugustohin iyon ng mga kumakandidato ngayon). Walang tosgas, walang pagod, at hindi rin nauuga sa puwesto. Pero iba ang sinasabi ng konstitusyon kaya obligadong mag-eleksiyon. 

        Kung susumahin, 21 lang ang maglalaban-laban para sa 12 senador, kaya lalong mahigpit ang laban. Llamado na agad ang may name recall, habang dehado ang mga bago at medyo mahirap bigkasin ang pangalan. Alam n’yo naman ang mga Pinoy, mas maikli, mas madaling tandaan. 

        Abangan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …