Sunday , November 17 2024

Kaban ng bayan ‘pinadugo’ ni Duterte,
GRAND CONSPIRACY SA P12-B DEAL SA PHARMALLY BINASBASAN

102021 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario

MAY basbas at kumpas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maaanomalyang Pharmally deals kaya naisakatuparan ang ‘grand conspiracy’ para ‘paduguin’ ang kaban ng bayan.

“This grand conspiracy could never have happened without the imprimatur of the executive from beginning to end, from meeting with Pharmally to the appointments of selected people who are extremely loyal to him is [the] basis of the appointment and not competence,” ayon kay Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Richard Gordon sa ika-12 pagdinig ng komite sa Pharmally deal kahapon.

“The President allowed his friends to bleed this nation’s coffers dry,” dagdag niya.

Pinagbawalan din ni Pangulong Duterte ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na dumalo sa pagdinig ng komite.

Ani Gordon, sa bibig mismo ni Pangulong Duterte nagmula na ang kanyang dating economic adviser na si Michael Yang ay may partisipasyon sa multi-bilyong pisong kontrata ng Pharmally sa kanyang administrasyon.

Inamin ng Pharmally executive na si Linconn Ong na nangutang sila ng puhunan kay Yang para pondohan ang nasungkit na kontrata sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM).

Dumalo sa Senate hearing ang mga leader ng medical community upang ihayag ang kanilang suporta sa pagdinig.

Kabilang rito ang anim na dating health secretaries na sina Esperanza Cabral, Manuel Dayrit, Enrique Ona, Carmencita Reodica, Paulyn Ubial, at Jaime Galvez-Tan at health reform advocate Dr. Tony Leachon.

Hindi anila hahayaan na may nagpapayaman habang sila’y itinataya ang buhay sa gitna ng pandemya.

Itinuturing ni Leachon ang Pharmally deal bilang “worst corruption in the history of the Philippines kapag napatunayan. Nakalulula, nakapangingilabot, at nakasusuklam.”

Sa pamamagitan ng isang indignation letter, nanawagan ang medical community na ituloy ang imbestigasyon dahil hindi biro ang P42 bilyong  ginastos sa CoVid-19 response na kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA).

Nanawagan sila kay Pangulong Duterte na padaluhin sa Senate hearing ang lahat ng opisyal ng gobyerno na may partispasyon sa transaksiyon ng Pharmally.

“Panawagan namin transparency, exigency and accountability,” sabi ni Philippine College of Physicians president Dr. Maricar Limpin.

No-show si Health secretary Francisco Duque III sa pagdinig bunsod ng pagbabawal ni Duterte na dumalo siya sa hearing.

Batay sa initial findings ng Senate blue ribbon committee, ilan sa nakitang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, estafa, panlilinlang, pamemeke ng dokumento, at paglabag sa Bayanihan 1 ng mga sangkot sa Pharmally deals.

Unang-una sa listahan si dating Presidential economic adviser Michael Yang na nagpondo sa Pharmally. Nais ni Gordon na ipa-deport si Yang.

Estafa naman ang dapat ikaso kina Pharmally executives Krizle Mago at Mohit Dargani.

Bukod sa kanila, pinasasamahan din ng samot-saring kaso ang iba pang Pharmally at dating PS-DBM officials.

“Nadiskurbe po nating inuna ang kumita at makakuha ng komisyon, o kickbacks, instead of coming up with the right way to quell the pandemic… Nasisikmura pa nilang magsinungaling sa sambayanan,” sabi ni Gordon.

Ipinade-detain na sa Senado ang magkapatid na Pharmally officials na sina Mohit at Twinkle Dargani, dahil hindi nakapagsumite ng mga dokumento kaugnay sa mga naging transaksiyon nila sa gobyerno.

About Rose Novenario

Check Also

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …