BALEWALA ay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang akusasyong ‘plunder’ at ‘graft’ na inihain laban sa kaniya sa Ombudsman ukol sa umano’y P287-milyong procurement of food packs dahil isa lamang aniya itong ‘black propaganda’ ng kaniyang mga katunggali sa halalan sa pagka-alkalde sa susunod na taon.
Ayon kay City legal officer Orlando Casimiro, isang ‘major mistake’ ang paghahain ng plunder at graft laban kay Belmonte ng umano’y Task Force Kasanag na sinabing ginagamit ng mga katunggali ng QC Mayor.
Nabatid na kasama rin ni Belmonte sa mga inasunto sina Ruby Manangu, QC accounting chief, at Angelica Solis, representative ng single proprietorship LXS Trading, ang supplier ng food packs.
“Since they (opponents) followed every step of their 2010 election playbook, we knew that it was only a matter of time before some obscure group with no involvement at all to Quezon City would file.”