Friday , May 16 2025
Janine Gutierrez

Janine Gutierrez itinanggi basang kili-kili tweet; BBM supporters kuyog

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MARIING itinanggi ni Janine Gutierrez ang umano’y viral tweet niya na pinansin ang basang kili-kili ng isa sa presidentiables na si dating senador Bongbong Marcos.

Base sa kumalat na tweet ng aktres, ”Yuck!  Baskil.  Maraming ninakaw sa bayan pero dugyot.”

Kilala kasing vocal si Janine sa pagsasabi ng kanyang mga nararamdaman at obserbasyon sa mga nangyayari sa paligid niya kaya siguro ginawan siya nito.

Kaagad naman nitong klinaro, ”Hey everyone! This is fake. I never tweeted this. Kung kilala niyo ako, hindi ko naman talaga katunog ito. Hindi tayo mababaw. Hindi importante ang itsura o panlabas na anyo ng isang politiko. Dun tayo sa facts lang, lalo na ngayong eleksyon. Mag-iingat sa fake news, guys!”

Kaagad din siyang ipinagtanggol ng Twitter user na si @Lola Bashang Kowts Ä0”Anyone na magpapakita sakin na nagtweet talaga ng ganito si Janine? Husayan nyo.”

Marami kasi ang naniwalang sinabi nga iyon ng aktres tulad ni leeyaameeey@jollymae_, ”Ket sika garod? Dugyot ka lang garoden naglaad ka pay (ikaw kaya?  Dugyot ka rin, hindi ka pa nagsasabi ng totoo.).”

Sinundan ni Ar Dagandara @DagandaraHarvey, ”Gutierrez pa naman sayang…”

Marami pa kaming nabasang sa thread ni @Lola Bashang Kowts Ä0 na hindi magaganda na talagang kinuyog si Janine ng supporters ni BBM.

About Reggee Bonoan

Check Also

Blind Item, Gay For Pay Money

Anim arestado sa Dagupan dahil sa vote-buying para sa Celia Lim slate

DAGUPAN CITY — Anim katao ang inaresto ng mga awtoridad sa Sitio Mantipac, Barangay Mayombo …

Malabon Police PNP NPD

2 huli sa pananahi ng pekeng branded na panty at bra

NALAMBAT ng tauhan ng Malabon Police ang isang may-ari at supervisor matapos salakayin ang isang …

Comelec Elections

2025 Voter turnout pinakamataas sa PH election history — Comelec

KINOMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec) na ang 2025 ang may pinakamataas na voter turnout …

Termite Gang

P3.7-M alahas, pera nakulimbat ng ‘Termite Gang’ sa Pawnshop

ISANG manhunt operations ang inilunsad ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa dalawang miyembro …

QCPD Quezon City

2 pulis-QC nanggulo sa bar, inaresto ng mga kabaro

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – Holy Spirit Police (QCPD – …