Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeli Khang, Majhong Knights, Jay Manalo

Angeli Khang walang arte sa paghuhubad

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SUPORTADO ng ina ang ginagawang pagpapa-sexy ni Angeli Khang, isa sa tatlong miyembro ng VMX Crush (kasama sina AJ Raval at Gela Cuenca) ng Viva, kaya naman wala itong problema sa ginagawang paghuhubad sa mga pelikula sa Viva Films.

Actually, 2nd movie pa lang ni Angeli itong Majhong Knights kasama sina Jay Manalo at Sean de Guzman pero bida agad siya. Una siyang nakasama sa pelikulang Taya na pinagbidahan nina AJ Raval at Sean.

“’Yung mom ko po, very supportive po talaga siya dahil ‘yung mom ko po, kasama ko rito sa Philippines. Sabi niya po sa akin as long as wala  akong natatapakang tao at gusto ko ‘yung ginagawa ko, support po siya hanggang sa dulo,” ani Angeli na ang Mahjong Knights ay mapapanood sa Vivamax sa Nobember 12 at idinirehe ni Law Fajardo.

Kahit baguhan, walang arte si Angeli kaya hindi nakapagtatakang binigyan agad siya ng lead role ng Viva. Sabi nga niya, gagawin niya ang lahat ng kailangan para makamit ang inaasam na kasikatan. At iyon  ang ginawa niya sa Mahjong Nights na hubad kung hubad, romansa kung romansa, at siyempre, umakting din  

Kuwento niya ukol sa mga daring scene nila nina Jay at Sean, hindi  siya nahirapan sa mga romansahan nila dahil tinuro naman ni Direk Law  ang lahat ng dapat niyang gawin.

“At mahusay at mabait din sina Jay at Sean, kaya naging madali. Sila ang nagdala sa intimate scenes namin,” aniya.

Natanong din si Angeli kung may pressure na matapatapan o higitan sina AJ, Cindy Miranda, at Sunshine Guimary sa paggawa ng sexy movies sa Viva.

“Ako at si AA, we’re really good friends. Talagang magkaka-vibes kami from ‘Taya’ pa lang and I think, we shouldn’t compare different individuals,” giit nito.

Sinabi pa ni Angeli na labis siyang nagpapasalamat sa Viva dahil may lead role na siya.

“Sobrang feel ko na blessed ako dahil sa second movie ko, leading lady agad ako ang sobrang nakaka-flatter po na makasama si sir Jay and si Sean sa movie,” ani Angeli.

Kaya abangan si Angeli sa Mahjong Knights dahil isa na naming challenge ito sa kanyang paggawa ng sexy. Kasama rin ditto sina Mickey Ferrios, Arnel Ignacio, Maricel Morales, at Jamilla Obispo. Kaya tutok na sa No. 12 sa Vivamax Philippines.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Unang Hirit

Isang linggong sorpresa inihatid ng UH

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGANG mga sorpresa ang hatid ng Unang Hirit para sa masayang week-long anniversary …

Odette Khan Bar Boys 2, After School

Ms Odette Khan binigyan bonggang pagpapahalaga sa Bar Boys 2

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAIYAK kami sa tila mala-tribute na pag-welcome kay Ms Odette Khan ng buong …

Rabin Angeles Angela Muji

Rabin sobrang na-challenge sa lauching movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA talaga ang Viva Entertainment dahil sa pagpasok pa lang ng 2026, heto …

Rabin Angeles Angela Muji Crisanto Aquino

Rabin inamin matagal nang crush si Angela, A Werewolf Boy binago ang ending

NAKAGUGULAT ang tinuran ni Rabin Angeles nang amining bata pa man siya’y crush na niya ang ka-loveteam …

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …