Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 Chinese nationals, Pinoy timbog sa kidnapping

HINULI ng mga operatiba ng Intelligence Section ng Pasay City Police ang tatlong Chinese nationals at isang Pinoy na isinasangkot sa pagdukot sa isa pang Chinese sa isang entrapment operation sa Parañaque City nitong 15 Oktubre.

Iniharap kay Southern Police District (SPD)  Director P/BGen. Jimili Macaraeg ang nga naarestong suspek na sina Zhao Lingdi, 24; Feng Xialong, 31; Hao Zhengdong, 40; at Aaron Montenegro, 40.

Sa report, ang Chinese national na si Chen Yuansen, 21, kinidnap ng mga suspek sa Sea Escape CCP Complex, Barangay 76, Zone 10, Pasay City noong 2 Oktubre 2021.

Dinala at ikinulong ang biktima sa isang POGO company, matatagpuan sa Williams St., Pasay City.

Humingi ang mga suspek ng halagang P300,000 sa biktima upang hindi siya paslangin .

Lingid sa kaalaman ng mga suspek, nagawang makatawag ng biktimang si Yuansen sa kanyang kaibigan na si Jin Zhongguo na nagpanggap na isang kaibigan na magdadala ng ransom money.

Agad nagkasa ng entrapment operation ang mga awtoridad na nag­resulta ng pagkakaaresto ng apat na suspek sa harap ng Sequoia Hotel sa Block 2 Lot 15, Aseana City, Business Park, Paran~aque City, dakong 8:30 pm.

Narekober sa mga suspek ang puting Toyota Hi Ace commuter van, may plakang NEF 4546, nakarehistro kay Hui Zhang.

Nakakulong ang apat na suspek sa Pasay City Detention Management Unit at inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga suspek.

(GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …