Saturday , November 2 2024
Cinema Movie Now Showing

Sine bukas na walang date, food bawal din (Sa 30% capacity)

INIHAYAG ng Department of the Interior and Local Government (DILG), mahigpit na ipagbabawal ang panonood ng sine nang magkatabi, sa sandaling buksan muli sa limitadong kapasidad ang mga sinehan sa Metro Manila simula sa Sabado.

Ang pagbubukas ng mga sinehan ay kasunod ng pagsailalim ng National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3 simula 16 Oktubre hanggang 31 Oktubre dahil sa unti-unting pagbaba ng mga naitatalang kaso ng CoVid-19 sa rehiyon.

Gayonman, limitado lamang ang papayagang kapasidad nito na dapat ay nasa 30% at pawang fully-vaccinated individuals din umano ang pahihintulutang makapanood ng sine.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, maraming tao ang natutuwa sa pagbubukas muli ng mga sinehan, partikular ang cinema operators na malaki na ang nalugi dahil sa pagsasara ng kanilang negosyo.

“A lot of people are so happy with this, even the cinema operators association,” ayon kay Malaya, sa isang panayam. “They’re happy because under the old guidelines, they would still continue to be prohibited under Alert Level 3, but they really appealed and requested that they be allowed to open… but 30 percent indoor capacity for cinemas under Alert Level 3, and, since it’s only 30 percent, there will be seats in between moviegoers that will be left vacant,” paliwanag ni Malaya.

Una nang nagtakda ng protocols ang Cinema Exhibitor Association of the Philippines (CEAP) upang matiyak na magiging ligtas ang muling pagbubukas ng mga sinehan, ngayong nakararanas pa ng pandemya ang bansa.

Kabilang sa mga itinakdang regulasyon ang one-seat apart ng mga manonood, pagsusuot ng facemask at pagbabawal sa pagkain sa loob ng sinehan.

Maging ang mga tauhan ng mga cinema ay mag-oobserba rin ng minimum health protocols gaya nang madalas na paghuhugas ng kamay.

Matatandaang simula noong Marso 2020 ay sarado ang mga sinehan sa bansa dahil sa pandemya at ayon sa CEAP, tinatayang aabot na sa P21 bilyon ang kitang nawala sa kanila. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …