AABOT sa 1,000 displaced workers mula sa iba’t ibang barangay sa District 1 ng Parañaque City ang tumanggap ng unang pay-out na tig P4,000 .
Ang programang “Cash For Work” ng pamahalaan ay may layuning makatulong sa mga mamamayan ng lungsod na nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemyang dulot ng CoVid-19.
Ang mga benepisaryo ng cash for works mula sa iba’t ibang barangay ay magtatrabaho sa loob ng 10 araw bilang street sweepers sa lungsod.
Ginanap sa Wawa gym, Barangay Sto Niño sa lungsod katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at ang Public Employment Service Office (PESO) na umalalay sa mga beneficiary sa unang pay-out ng mga mangagawa.
Bukod dito, higit 10 benepisaryo ang nabigyan ng foodcart mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) bilang pantulong sa kanilang hanapbuhay. (GINA GARCIA)