Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto

Julia sarap na sarap ma-inlove — Pero masarap ding masawak ang puso

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HALATANG in-love ang tatlong bida ng Di Na Muli serye ng Viva Entertainment, Cignal, at Sari Sari Channel na sina Marco Gumabao, Marco Gallo, at Julia Barretto.  Natanong kasi ang mga ito ukol sa kung ano ang maipapayo sa mga taong nawawalan na ng pag-asa sa pag-ibig.

“Don’t lose hope. Lahat naman tayo pinagdaanan natin ‘yan. Actually, hindi naman sa pag-ibig, eh. Maraming bagay sa buhay minsan, parang ayoko na, huwag na lang, nakakawalang-gana, nakaka-discourage. Pero huwag kang magpatalo,” ani Julia.

“Kasi ang sarap magmahal, eh. Ang sarap mabuhay, ang sarap magtagumpay, ang sarap mag-move forward, ang sarap mag-move-on, ang sarap magkaroon ng bagong experience ng pagmamahal na magugulat ka na lang din na ‘ay may ganito pala. Ay, ‘eto pala ‘yung para sa akin. Ay, buti na lang pala ganu’n ‘yung nangyari,’” dagdag pa ng karelasyon ni Gerald Anderson.

At kung sarap na sarap ma-inlove si Julia, masarap din para sa kanya ang mabigo. ”Ang sarap kayang mawasak ang puso, joke lang!” biro nito sabay sabing, ”Masarap siya kasi alam mong tumitibay ka, eh. Parang pag na-overcome mo siya, parang ‘ay, na-overcome ko ‘yun.’ Kaya ang sarap ng pain na ‘yun kasi alam mo, sooner or later, mao-overcome mo siya, eh,” paliwanag pa ng aktres.

”Someone is destined for us,” giit naman ni Gumabao. ”Maaring hindi pa natin nakikilala, maaaring nakilala na natin dati pero hindi natin ino-open-up ‘yung idea na what if i-try n’yong dalawa.” giit pa ng aktor na inlove na rin yata kay Ivana Alawi.

At halatang inlove nga si Gumabao dahil sinabi pan itong, ”Masarap ma-in-love, ang sarap magmahal especially if you have so much love to give, ang sarap ibigay sa taong tama especially if you know that you are valued by that person na he/she reciprocates the love na binibigay mo sa kanya.”

At si Gallo naman, ito ang katwiran niya, ”No matter how much you try to give up on love, it will always find you in the most unexpected moment of your life. No matter (how much) you say ‘no, hindi na talaga,’ it will just get you  when you don’t expect it.”

Ang Di Na Muli ay iikot sa pagiging bukas sa pag-ibig at pagharap sa pagsisisi. Kasama rin ditto sina Andre Yllana at Ashley Diaz at idinirehe ni Andoy Ranay.

Ang teleseryeng ito ay may 14 episodes na mapapanood sa TV5 tuwing Sabado, 8:00 p.m. at may catch up airings sa Sari Sari Channel ng 7:00 p.m.. Mapapandood din ito sa Vivamax.

First time nagkasama-sama ng tatlo sa Di Na Muli na kasalukuyang napapanood sa TV5 every Saturday, and so far ay maganda ang feedback sa nasabing teleserye. Mapapanood na rin ang serye sa Vivamax simula sa Oct. 22.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rhodessa Montano Belen

Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 Rhodessa Belen tinulungan Philippine Delegates; Korona ipinasa sa bagong reyna

PORMAL nang nagtapos ang reign ni Rhodessa Montano Belen bilang Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 o sa ginanap na Mrs. …

Piolo Pascual Manilas Finest

Manila’s Finest minarkahan ikatlong sunod na MMFF project ni Piolo 

HARD TALKni Pilar Mateo NINEETEEN sixty nine. Ten years old ako. Elementary.  Aware naman na …

MMFF MMDA

MMDA pinamunuan premiere night ng 8 kalahok sa MMFF 2025  

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ng Metropolitan Development Authority (MMDA) ang patakarang ngayon sa mga premiere night ng …

Derek Ramsay The Kingdom

The Kingdom gagawing TV series, Derek Ramsay magbibida

I-FLEXni Jun Nardo GAGAWING TV series ang pelikulang The Kingdom na pinagbidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascualna ipinalabas last …

Celesst Mar

Fil-Am singer-songwriter iiwan America para sa local showbiz career

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAHILIG sa dagat at malaking bahagi ng kanyang musika ay nagpapakita …