Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marco Gumabao, Julia Barretto

Julia overprotective sa lovelife ni Marco Gumabao

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SUPER close sina Julia Barretto at Marco Gumabao since mga bata pa sila ay magkakilala na kaya siguro protective ang aktres sa aktor na pati pagsagot nito tungkol sa kanyang love life ay hinarang ng una.

Sa ginanap na zoom mediacon ng TV series na Di Na Muli na napapanood sa TV5, 7:30 p.m. at mapapanood naman sa Vivamax sa ikatlong linggo ng Oktubre ay natanong si Marco tungkol sa kanyang bagong inspirasyon.

Viral kasi sa social media ang video nina Marco at ang vlogger na si Ivana Alawi na nasa isang KTV bar habang kumakanta ang huli.

Kapansin-pansin kasi ang kaliwang kamay ni Marco na nakapatong sa hita ni Ivana kaya iisa ang sabi ng netizens, ‘sila na.’ Oo nga kung magkaibigan ay hindi naman aabot sa hita ng babae ang kamay ng lalaki.

Kaya natanong si Marco tungkol sa kanyang inspirasyon at natatawa ang binata kasama na rin sina Direk Andoy Ranay at Marco Gallo habang si Julia ay panay ang tanong kung bakit at wala siyang alam.

Diretsong tanong kay Marco, ”Gaano ka ba ka-inspired ngayon? ‘Yung girl ba na kasama mo sa viral photo ang nagpapasayasa sa puso mo ngayon?”

Natatawang sagot ng binata, ”Lagi naman akong inspired, lagi naman. Ah, lagi naman akong inspired.”

May extra special ba sa pagiging inspired ngayon si Marco.

“Ah, yeah. Yes, I’m…” pabiting sagot ng aktor.

Nakita ni Marco na natatawa si direk Andoy, ”si direk tumatawa, eh. Naguguluhan ako sa ‘yo. Direk, huwag kang tumatawa.”

Puwede pang magdagdag ng sagot si Marco na hinihintay ng invited entertainment media sa zoom pero kaagad na itong sinalo ni Julia.

“I’m sure si Marco will talk about it when he’s ready to talk about it. I think everyone is still in shock and he’s still overwhelmed kasi si Marco is the type of guy na kapag private life niya, gusto niya private lang,” paliwanag ng aktres.

Kaya natanong si Julia kung gaano na sila katagal magkaibigan ni Marco.

Sabi ng dalaga, ”We’ve been friends for eight years now. I think I can tell Marco really likes a girl. I know when Marco is actually going to pursue a girl. I know that because I know how he behaves when he’s in love.

“I know how he starts acting like he’s in love, but I also know Marco when he’s unsure. I also know Marco when he’s nervous. I also know Marco when he’s afraid.”

Sa pagkakaalam namin ay matagal ng crush ni Ivana si Marco kaya posibleng ito ang naging daan din kaya naging malapit na sila ngayon hanggang sa nagbunga na sa mas magandang relasyon ngayon.

Pero siyempre need ng kompirmasyon na magmumula mismo sa mga taong involved na sina Marco at Ivana.

Anyway, tanggap ng fans ang tambalan ng tatlo sa Di Na Muli na nagbukas noong Setyembre 18 kaya isang dahilan din na mapapanood na ito sa Vivamax.

Iikot ang kuwento sa pagiging bukas sa pag-ibig at pagharap sa pagsisisi. Si Julia ay gumaganap bilang si Yanna, matalino at mapagmahal, ngunit simula nang malamang may kakayahang makita ang nalalabing panahon ng mga tao sa pamamagitan lamang ng paghawak sa kanilang kamay, pinili ni Yanna na huwag maging malapit sa mga tao. Nagpapanggap siya na isang germaphobe para makaiwas sa paghawak sa mga tao.   

Pangarap ni Yanna na makapagtayo ng isang negosyo at suportado ito ng kanyang kaibigan at manliligaw na si CJ, na ginagampanan ni Marco Gallo. Nararamdaman ni CJ ang pag-iwas ni Yanna ngunit patuloy pa rin ang pagpapakita niya rito ng pagmamahal.  

Kay CJ natutunan ni Yanna na dapat pahalagahan ang mga oras na kapiling ang mga taong mahalaga sa kanyang buhay.   

Nang makilala naman ni Yanna si Mico, isang gwapo ngunit mapangdudang lalaki, naisip ni Yanna na malabong magkasundo sila nito. Ngunit tadhana na ang naglapit sa kanila.   

Ang Di Na Muli ay produksiyon ng Cignal at Sari Sari Channel, kasama ang Viva Entertainment with 14 episodes sa TV5 tuwing Saturday, 7:30 p.m. at may catch-up airings sa Sari Sari Channel, 7 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …