Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gigi de Lana, Sakalam

Gigi ‘di napigilang umiyak sa launching ng debut single

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

EMOSYONAL si Gigi de Lana sa paglulunsad ng kanyang debut single, ang Sakalam na ini-release ng Star Music.

May mga pagkakataong naiyak talaga si Gigi habang sumasagot sa mga katanungan ng entertainment press.

Ang dahilan, unti-unti ng natutupad ang kanyang mga pangarap, kasama na itong debut single at ang mensahe ng kanta.

“Habang kinakanta ko ‘yung ‘Sakalam,’ nasasaktan ako. Inilalagay ko ‘yung sarili ko sa song kasi gusto kong kantahin na punompuno ng soul. Sobrang nakare-relate kasi sa mga pinagdaanan ko rin sa buhay,” paliwanag ni Gigi ukol sa power rock ballad song na tungkol sa pighati ng isang tao na hindi makabitaw sa karelasyon na nagbago na ang nararamdaman para sa kanya. Kabalitaran ito ng salitang “malakas” na mas nagpapatindi ng lungkot na ipinararating ng kanta.

 
Bale binigyan ng bagong kahulugan ni Gigi ang Pinoy slang na “Sakalam” sa debut single niya.

Ani Gigi, nakapagbibigay positive vibes din ang mensahe ng kanyang awitin sa mga nakararanas ng matinding heartbreak. “Even though ‘sakalam’ talaga siya, pansamantala lang ‘yang nararamdaman mo. Itong song na ito, hindi lang tungkol sa heartbreak. May ibinibigay din itong positive vibes.”

Bukod sa pagiging kauna-unahang original song ng pinakabagong pop rock diva at tinaguriang breakthrough star ng 2021, ang Sakalam din ang unang single sa kanyang debut full-length album na ire-release sa 2022. Sa ngayon, nasa top spot ng Fresh Finds playlist ng Spotify Philippines ang kanta.
 
Ini-record ng Star Magic artist at RISE Artists Studio talent ang  Sakalam kasama ang mga miyembro ng The Gigi Vibes band na sina Jon Cruz, Jake Manalo, LA Arquero, at Romeo Marquez. Isinulat ito at binuo ni Romeo kasama si Erwin Lacsa, habang si Jon naman ang nag-areglo ng kanta. Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo naman ang producer.

Gigi de Lana, Sakalam, GG Vibes Band

Bukod sa Sakalam, inanunsyo ni Gigi ang marami pang mga nakalinyang proyekto niya para sa 2021, kasama na ang pagiging bahagi  sa Filipino music festival na 1MX Dubai at ang pag-headline niya sa sarili niyang YouTube Music Night  digital concert na parehong gaganapin sa Disyembre. 

Damhin ang Sakalam na sakit at pakinggan ang debut single ni Gigi sa iba’t ibang digital music platforms. Mapapanood na rin ang music video ng kanta sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …