Saturday , November 2 2024

Sen. Bato ‘istorbong’ kandidato (Sa hayag na pagpaparaya kay Sara)

101221 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) na maaaring maideklarang nuisance candidate o istorbong kandidato si PDP Laban Cusi faction presidential bet Sen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa pag-amin niyang handa siyang umatras para bigyan daan ang presidential  bid ni Davao City Mayor Sara Duterte. 

“Puwede akong magparaya kay Mayor Sara. Alam ko may senaryo na ganoon na puwedeng tumakbo si Mayor Sara, puwede akong mag-give way sa kanya kung gusto niyang tumakbo,” sabi ni Bato

“Kasi ‘yung winnability niya masyadong mataas at ‘yung kanyang capability, ‘yung kanyang capacity ay beyond question. Kung ibang partido naman ang tatakbuhan niya, through and through ako na susuporta sa kanya but still I have to wait for the decision of our party kung mag-withdraw ba ako o hindi,” dagdag niya.

Para kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nag-a-apply kay Bato ang kategorya para maging isang nuisance candidate dahil sa pag-amin na payag siya na may substitute candidate sa kanya.

“‘Yung sitwasyon ni Sen. Bato ay medyo kakaiba po talaga iyan. Ang problema kasi kay Sen. Bato, pasok na pasok siya sa lahat ng criteria para sa seseryosohing kandidato. Ang problema sa kanya ay inaamin niya na okey lang sa kanyang ma-substitute siya. Isa sa mga kategorya ng nuisance candidate  ay mukhang nag-a-apply sa kanya which is person with no bona fide intention to run for office. Because if you’re saying na okey ka lang na palitan, saan doon ‘yung bona fide intention mo?” saad ni Jimenez.

Para maideklarang nuisance candidate aniya si Bato ay kailangang may maghain ng petisyon sa Comelec laban sa kanyang kandidatura.

“Puwedeng gawin ng Comelec motu proprio pero maingat ang Comelec sa paggamit ng power na iyan. Again Comelec also has to be careful not to be perceived to be partisan,” paliwanag niya.

Sinabi ni election lawyer Romulo Macalintal, sa ilalim ng batas ay maaaring ideklarang nuisance candidate si Bato at mawalan ng bisa ang inihain niyang certificate of candidacy kaya hindi siya puwedeng palitan ng ibang kandidato bilang substitute candidate .

“Under the law, he could be declared as a nuisance candidate, and the one substituting him cannot [do so] because it is as if no COC was filed,” ayon kay Macalintal.

“A petitioner can just say…if by November 15, you withdraw your COC, that is the proof that you really had no intention to run for your position,” aniya.

About Rose Novenario

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …