BULABUGIN
ni Jerry Yap
HETO na naman ang “game of mind conditioning” sa pamamagitan ng survey says!
Batay daw sa Pulse Asia Survey nitong Setyembre, lumutang si Senador Manny Pacquiao bilang top 1 sa pinakapinagkakatiwalaan mg mga Filipino sa hanay ng presidential candidates.
Sa tanong na, “In your opinion, who among the following probable presidential candidates will not steal from the government?”
Pinakamarami umano ang sagot na: “Pacquiao.” At sa mga na-interview, 20% ang nagsabing para sa kanila, hindi magnanakaw si Pacquiao.
Sumunod sa kanya si Davao City Mayor Sara Duterte na nakakuha ng 12%. Batay ito sa privately commissioned na rider question ng Pulse Asia survey.
Nakamit umano ni Pacquiao ang most trusted rating dahil sa malinis na imahen at reputasyon. Tumatak din sa isip ng mga tao ang pagiging maka-Diyos ng mambabatas.
Naging ambag din ang kanyang sportsmanlike attitude pagdating sa ring at kababaang-loob, kaya nakuha ang tiwala ng mga nag-response sa survey.
Malaki ang kontribusyon dito ng media photos and videos ni Pacquiao kasama ang ilang world leader tulad ng American presidents na sina President Bill Clinton, President Barak Obama, at noo’y Vice President Joe Biden, gayondin si Prince Harry ng England.
Survey ‘yan noong Setyembre. May lalabas pang mga bagong survey mula sa iba’t ibang survey companies… abangan na lang natin.
Yahoo, yahoo, yahoo!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com