Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP Bulacan PPO, Manuel Lukban Jr, Valeriano De Leon,Lawrence Cajipe, Micka Bautista
OPISYAL nang manunungkulan bilang bagong PNP Provincial Director ng Bulacan PPO si P/Col. Manuel Lukban, Jr., habang iniaabot ang bandila bilang tanda ng pagsasalin ng tungkulin ni PNP Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon, nakamasid si outgoing PD P/Col. Lawrence Cajipe. (MICKA BAUTISTA)

Bagong Provincial Director ng Bulacan PNP, itinalaga

OPISYAL nang itinalaga ni Police Regional Office (PRO3) regional director P/BGen. Valeriano De Leon si P/Col. Manuel Lukban, Jr., bilang acting provincial director (APD) ng Bulacan Police Provincial Office, sa isang formal turnover rites sa Bulacan Provincial Headquarters sa Camp General Alejo S. Santos, lungsod ng Malolos, nitong Biyernes, 8 Oktubre.

Hinalinhan ni P/Col. Lukban si dating Bulacan Police Provincial Director, P/Col. Lawrence Cajipe, na nagsilbi bilang mahigit isa at kalahating taon at ngayon ay itinalagang bagong Regional Directorate Chief of Staff (RCDS) para sa PRO3.

Kabilang si Lukban sa Tagapamayapa Class 1990 ng Philippine National Police Academy (PNPA) at bago naitalaga bilang acting provincial director ng Bulacan, siya ay nagsilbing hepe ng Plans and Programs Division ng PNP Directorate for Police Community Relations.

Nagsilbi rin siya bilang hepe ng PRO-12 Directorial Staff, chief of police ng Malolos PNP noong 2007, at Makati PNP noong 2014.

Tiniyak ng bagong Top Cop ng Bulacan na ipagpapatuloy niya ang mahigpit na panukalang panseguridad, walang tigil na pagsisikap, at pagpa­patupad ng maigting na kampanya laban sa ilegal na droga at terorismo, at pagsugpo sa lahat ng uri ng krimen upang mapanatili ang peace and order sa buong lalawigan ng Bulacan.

Binigyang-diin din ni PD Lukban, magsasagawa siya ng estriktong diskarte sa pagpapatupad ng Internal Cleansing Policy (ICP), na ang layunin ay resolbahin ang maliliit na problema sa police service, upang magarantiyahan ang kalidad ng ranggo ng police officers.

Dagdag ng opisyal, palalakasin niya ang ugnayan sa pagitan ng PNP at komunidad partikular sa Advocacy Support Groups at Force Multipliers, upang matiyak ang paglahok at pakikipagtulungan ng taongbayan.

 (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

DVOREF College of Law

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. …

SM AweSM Cebu 2026

AweSM Cebu 2026 Brings Sinulog Spectacle to the Max Across SM Malls

Sinulog season kicks into high gear as AweSM Cebu 2026 takes over SM City Cebu, …