I-FLEX
ni Jun Nardo
SENADOR ang puntirya ni former Quezon City Mayor Herbert Bautista sa eleksiyon next year. Nag-file na ng kanyang certificate of candidacy si Bistek nitong nakaraang mga araw.
Eh dahil maganda rin ang achievements ni HB bilang politiko, maganda ang naging feedback sa kandidatura niya in and out of showbiz, huh!
Malaking tulong ang pagiging artista ni Bistek para matandaan siya ng mga tao lalo na ‘yung nasa probinsiya. Box office star din siya kaya malaki ang chance niyang suwertehin bilang senador ng bansa.
Maganda rin ang kanyang educational background kaya may kaalaman din siya sa mga batas.