BULABUGIN
ni Jerry Yap
MAINGAY ang bulungan kahapon sa iba’t ibang ‘grapevines’ na may lulutang umanong berde o ‘luntian’ para makipagsabayan sa mapusyaw na rosas, lumang rosas, sa puti at bughaw, at sa iba pa.
May nagsabi pang titiklop ang puti at bughaw, upang magparaya sa berde.
Tiyak na maraming mag-aabang.
Pero palagay natin ay may isang salita ang nagbabandila ng kulay berde. Nagsalita na siya at pumosisyon… hindi siya papalaot sa iiwanang puwesto ng erpat.
Pero sabi nga, hangga’t hindi natatapos ang a-8 ng Oktubre at ang a-15 ng Nobyembre… marami pang puwedeng mangyari.
Kumbaga hindi pa matining ang sitwasyon, at hindi pa klaro kung gaano katikas ang mga kabayo.
Mas maraming presidential aspirants ay mas pabor sa mga kandidatong may solidong puwersa ng mga tagasuporta lalo na kung kabungguang balikat pa ang mga ‘smart’ at ‘may atik.’
And there they go…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com