MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY ang pagbibida ni dating Mastershowman Walang Tulugan mainstay at singer na si Allison Asistio sa BL series na Win Jaime’s Heart ng Sunny Istudyu na idinirehe ni Zyril Nica Bundoc at napanood sa Sanny Istudyo’s YouTube channel.
Dahil sa tagumpay ng season 1 ng Win Jaime’s Heart napapanood na rin ito sa WeTV at iFlix.
Ani Allison, ito ang kauna-unahan niyang proyekto na napalaban siya sa mga daring scene na talaga namang pinag usapan, iyon ‘yung eksenang nag-masturbate siya.
Noong una ay kabado siyang gawin iyon pero dahil na rin sa mahusay ang kanilang director napapayag siya. Nakita niya rin na napaka-artistic ng shot kaya nakahinga siya ng maluwag.
At habang hinihintay ang season 2 ng Win Jaime’s Heart, mas pinagaganda niya ang katawan para kapag nagsimula sila ng shooting ay handang-handa na siya.
Bukod sa BL series, nangangarap si Allison na makasama sa isang teleserye at makatrabaho ang kanyang ultimate idol na si Liza Soberano.
Bukod sa maganda si Liza, isa ito sa maituturing niyang mahusay na aktres sa kanyang henerasyon.