Saturday , November 2 2024
Bureau of Immigration
Bureau of Immigration

Mayroon bang syndicated schedules sa BI POD-admin?!

BULABUGIN
ni Jerry Yap

SA UNANG linggo ng Oktubre ay nakatakdang magkaroon muli ng rotation of terminal assignments para sa Bureau of Immigration (BI) Primary Officers na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals 1, 2 and 3.

Sa mga hindi pamilyar sa sistema, ang primary officers sa airport ang nakatokang mag-duty sa Immigration counters.

Ito ay ginagawa kada ikatlong buwan taon-taon upang maiwasan ‘daw’ ang pakikipagsabwatan ng mga tiwaling immigration officers sa ilang personalidad na gustong kumita sa airport.

Talaga lang, ha?!

Noon pa man ay ganito na rin ang ginagawang ‘preventive measure’ ng mga naaatasang hepe ng Port Operations Division (POD) na sinasang-ayunan naman ng kanyang deputies pati ng mga kasalukuyang Terminal Heads sa bawat sangay ng NAIA.

Sa totoo lang, effective kumbaga ang ganitong sistema. Maliban na lang kung totoong walang nangyayaring sabwatan sa pagitan ng mga IO, pati na rin sa ilang miyembro ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU).

Pero sandali lang…

Alam naman kaya ng kasalukuyang hepe ng POD na si Atty. Carlos Capulong na may ginagawang milagro o diskarte ang ilan sa mga staff ng POD admin na siyang nangangasiwa ng scheduling ng kanyang mga Primary Officers?

Ito ngayon ang bulung-bulungan ng ilang IOs na hindi sumasang-ayon sa ginagawang rotation of terminal assignments diyan sa NAIA.

Sama-sama raw ang magkakatropang tulisan sa isang terminal at magkakasama rin sa isang terminal ang mga ‘righteous officers’ o ‘yung mga ayaw sa katarantadohan.

Bago pa man daw ilabas ang bagong schedule ay ginagapang na raw ito ng magkakatropang tulisan upang sila ay magkasama-sama sa iisang terminal upang madali raw nilang magawa ang kanilang masamang balak?!

Wattafak!

Hanggang ngayon ba naman ayaw pa rin nilang tumigil sa paggawa ng kaaliwaswasan?!

Gaya na lang ng grupong pasaway — ang “beshywaps”  — na sakit na ng ulo ng mga bisor dahil sa kanilang walang sawang paglayas sa kanilang counters kahit na sandamakmak ang pila ng mga pasahero?!

Ayan at magkakasama na naman daw ulit sila sa iisang terminal!

May napipinto kaya uling laklakan sa parking ng NAIA T3?

‘Di ba nga at umabot pa ‘yan sa ‘radar’ ni Commissioner Jaime “lucky” Morente?

Dati na silang binuwag ngunit dahil malakas daw silang manlibre kaya naman may reunion na ulit ang grupo nila.

Sonabagan!   

E ‘yung isang grupo naman ng mga tirador na IOs sa departure? Bakit ang balita natin ay doon naman nagkumpol-kumpol sa T1 sa darating na rotation?!

Wattafak!

Kahit pa nga desidido ang hepe ng POD na linisin ang kanyang balwarte at tiyakin na walang palusutan sa bawat airport kung ganitong sinisindikato  ng kanyang “admin staff” ang schedules ng mga tao, mananatiling ‘bulag’ ang kanyang mga mata sa nangyayari sa mga terminal partikular diyan sa T3 at T1 na alam naman ng lahat na pugad ng kababalaghan sa NAIA.

Ba’t hindi kaya i-implement din ang palitan ng mga admin staff sa POD nang sa gayon ay tuluyan nang matapos ang sindikato sa loob?

Magkano nga ba ang tara sa kanila per schedule?!

Bulabugin natin sa susunod!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …