Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Madam Inutz, Daisy Lopez, Wilbert Tolentino

Madam Inutz recording artist na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NATUPAD na ang matagal ng pangarap ni Madam Inutz o ni Daisy Lopez, ang maging recording artist. Isinakatuparan na kasi ni Wilbert Tolentino na makapag-record ang social media sensation at ito ay sa pamamgitan ng debut single na Inutil.

Nagsilbing tulay ang businessman at philanthropist na si Wilbert sa mga pangarap ni Madam Inutz na sumikat dahil sa kanyang pag-uukay-ukay.

Sa totoo lang, bilib si Wilbert o Kuya Wil sa talent ng ni Madam Inutz.

“Mayroon siyang unique na raspy voice. Bagay sa kanya ang mga novelty, rap, hiphop, rock, lalong-lalo ang mga Tunog Kalye. Bagay sa kanya ang mga estilo nina Sampaguita, Aegis, o Up Dharma Down.

“Mabilis niyang natututunan ang mga melody ng kanta at kaya niyang baguhin ang atake ayon sa kanyang style. Sobrang professional at walang reklamo sa oras, kahit inabot ng madaling araw sa pag-shoot ng music video,” kuwento ni Kuya Wil.

Paglalarawan ni Wilbert sa single, ”Introduction iyon ng buhay niya bilang isang Madam Inutz. Kung sino ba siya at paano siya nagsimula.

“At kaya single ang ginawa naming ay dahil pasok sa pagkatao niya at sa kanyang boses .Higit sa lahat, pangmasa. Madali rin itong sayawin, madaling kantahin plus, mahalaga na catchy talaga ang song.”

Sinabi naman ni Madam Inutz na ilang araw niyang inalagaan ang kanyang boses bago ang recording.

“Ilang araw din akong hindi uminom ng malamig na tubig at binawasan ang pagsigaw sa online selling para makondisyon ang boses ko. Dahil ang kanta ay may kaunting pagsigaw at kailangan ng energy.

“Pinag-aralan ko rin muna ang tema ng lyrics. Sinuri kong mabuti bawat linya, kung sa tingin ko’y aangkop sa aking pagkatao. Tapos, pinakinggan ko ang melody sa demo nang paulit-ulit. Hanggang sa makabisado ko.”

Dagdag pa ni Madam Inutz, ”Hindi ako nahirapan sa kanta dahil sa umpisa pa lang, naisaulo ko na ito.Umabot lang kami ng mahigit dalawang oras sa recording.”

Malaki naman ang pasasalamat ni Madam Inutz kay Wilbert dahil sa tulong nito sa kanya. ”Laking pasasalamat ko sa pagkakataong ibinigay sa akin na magkaroon ng debut single sa edad kong ito, hahahaha! Sa dinami-dami ng mga mas bata sa akin na nangangarap maging isang recording artist at may sariling music video, ako pa ang napili ng Tadhana. Sa tulong ito ng aking one and only manager na si Sir Wilbert.”

Si Ryan Soto ang nag-compose ng kanta at tiniyak niya kung anong genre ang babagay sa boses ni Madam Inutz.

Aniya, nakilala si Madam Inutz sa kanyang mga famous catchphrases sa  pag-o-online selling tulad ng salitang inutil, gunggong, oh jiieva at marami pang iba. Kaya naisip ni Ryan na gamitin ang salitang inutil para ito ang maging introduction song ni Madam Inutz bilang pagpapakilala sa sarili as a recording artist.

Mapakikinggan na ang kantang Inutil sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Tidal, Vevo, Tiktok, Youtube Music, Beatport, Instagram, Snapchat, Twitch, Shazam, iTunes, Facebook, at  iTunesRadio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …