HATAWAN
ni Ed de Leon
MAGKAKAROON na ng isang comeback teleserye sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Aba kailangan nila iyan. Apat na taon na ang nakararaan simula noong huli nilang teleserye, at iyon namang ginawa nilang serye na inilabas sa internet, hindi masyadong click. Wala namang nagki-click na show kung sa internet lang.
Kung may gagawin nga silang seryeng pang-telebisyon, at least maipalalabas iyon sa TV5 na mas marami ang makakapanood. Ilalabas na rin iyon sa ZoeTv na ngayon ay may dalawa nang provincial stations. Malayo pa rin sa napakalakas na power ng ABS-CBN na 150Kw at mahigit na 50 provincial stations. Pero ano nga ba ang magagawa eh wala na silang franchise, at mananatili nga sigurong ganyan maliban kung magkaroon ng pagbabago sa sitwasyong political sa ating bansa.
Iyong pelikula namang ginawa ni Daniel, ang sabi nila maganda pero hindi pa naman naipalalabas locally. Wala pang sinehan.