Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yeng Constantino, Susan Constantino

Yeng dinamayan ng mga kapwa artista sa pagpanaw ng ina

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

NITONG Linggo ay pumanaw ang mama ng Pop Rock Princess na si Yeng Constantino, si Gng. Susan Constantino.

“Paalam Mama,” ito ang caption ni Yeng sa larawan nilang tatlo kasama ang ina at amang si G. Lito Constantino.

Tinanong namin ang handler ni Yeng sa Cornerstone Entertainment kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng ina ng singer/songwriter pero hindi kami sinagot.

Kulang 3k ang mga nabasa naming nakikiramay kay Yeng at sa pamilya niya at umabot sa kulang 100k ang nagbigay ng puso sa post niya.

Ang ilang celebrities na nagpahayag ng pakikidalamhati sa singer ay si @ Chito Miranda”Yakap at dasal para sa inyo, Yeng.”

Sinundan ni Angeline Quinto, ”Maraming salamat po Tita sa lahat.”

Close kasi si Angge kay Yeng at kahit wala na siya sa pangangalaga ng Cornerstone ay hindi pa rin nagbago ang tinginan ng dalawa.

Ayon naman kay KZ Tandingan, ”Praying for comfort for the whole family ate!”

“Ate Yeng, condolences. May God comfort you and your family,” mula kaySam Mangubat.

Mula naman sa isa pang Cornerstone talent na si Kyla Alvarez”Yenggay (broken heart emoji) sending you my deepest sympathies and condolences. Praying for comfort for you and family.”

Mula naman kay Piolo Pascual”Condolence Josephine, prayers.”

Si Jaya, ”Condolences my dear Yeng. God’s s peace be upon you maxene Sending my most sincere condolences to you and your family.”

Mula sa pahayagang HATAW ang aming pakikiramay sa pamilya ni Yeng Constantino – Asuncion.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …