Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christie Fider, Joshua Garcia

Christi Fider, wish makatrabaho si Joshua Garcia sa music video ng new single niyang Heto Na Naman

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG Heto Na Naman ang follow-up single ng hit song ni Christie Fider titled Teka, Teka, Teka. Sa October 22 ang release nito at magiging available sa Spotify, Apple Music, at Deezer.

Ayon sa talented na singer/actress, ang latest single niya ay malaki ang kaibahan sa nauna niyang pinasikat na kanta.

Kuwento ni Christi, “Actually, katatapos lang po namin mag-record ng latest single ko, ang title nito ay Heto Na Naman. Very malayo siya from Teka, Teka, Teka, kasi iyong Teka… ay masyado siyang happy. Eto naman ay medyo hugot tayo and of course, si Direk Joven din ang nagsulat nito.

“Ang Heto Na Naman is about taking a chance sa love. Na kahit paulit-ulit tayong nasasaktan ay pinipili pa rin natin ang magmahal ulit. ‘Yung song is very different from other love songs.”

Sa kanyang song na Teka, Teka, Teka, may line na tiis-tiis muna, sa ngayon kanino niya iyon gustong sabihin? 

Esplika ng dalaga, “Siguro to everyone na nasa bahay, kasi siyempre one year higit na tayong nasa pandemic, kaya magtiis-tiis muna tayo, dahil siyempre ay matatapos din naman po ito. So, kailangan talaga nating magtiis muna, para at least ay matapos na itong pandemic.

“Pero siyempre ay nami-miss ko na rin ang lumabas. Ang tagal ko na rin kasing hindi lumalabas, ang tagal ko na rin hindi nami-meet ang mga friends ko.”

May gagawin ba siyang music video ng Heto Na Naman?

Tugon niya, “Yes po, lahat po iyon ay nakaplano na. Pero kasi, ngayon ay naghihintay lang kami na medyo lumuwag iyong protocol, para at least ay makapag-shoot kami nang mas maayos at mas maganda.”

Sino ang type niyang maging leading man sa kanyang music video? “Siguro… si Joshua Garcia, kasi sobrang pangarap ko talaga siyang maka-work, kasi ay napakagaling niyang actor. Na-meet ko na siya once and sobrang bait niyang tao. So iyon, sana ay maka-work ko po siya,” nakangiting saad pa ni Christi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …