Sunday , December 5 2021
Joshua Garcia

Joshua Garcia, inirereklamo na sa pagiging deadma at kawalan ng PR?

NAGUGULAT kami sa naglalabasang blind item, sa Kapamilya actor na si Joshua Garcia na yumabang na raw umano at hindi na kilala ang mga dating reporter na kanyang nakasama noong nagsisimula pa lang sa showbiz.

Yes, totoong may gulat factor sa amin ang issue, dahil few years ago ay nakilala namin si Joshua through Eric John Salut sa isang fans day event na very sweet at sobrang ganda ng PR. Ito ‘yung panahong sila pa ni Loisa Andalio ang gino-groom ng ABS-CBN na maging loveteam.

Ayon sa BI na lumabas sa column ng isang beteranang lady columnist-radio host, tuwing tine-text raw nila ngayon si Joshua ay deadma forever at walang time na mag-reply, na tuwing sisitahin ng ka-close na reporter ay may mga alibi at nag-iimbento na su­ma­got na raw siya at nagpadala ng mensahe sa nagte-text sa kanya.

Well, kung totoong uma-attitude na nga ang nasabing actor dahil sa sikat na siya ay ito lang ang ma­sa­­sabi namin: wala pa siya sa kalingkingan ng idol niyang si John Lloyd Cruz.

At saka si Lloydie ay kuripot lang pero maganda naman ‘di hamak ang kanyang PR.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Recording artist Chino Romero at no.1 supporter na retired teacher nagkita sa kanyang successful concert sa California

Recording artist Chino Romero at no.1 supporter na retired teacher nagkita sa kanyang successful concert sa California

About Peter Ledesma

Check Also

Blind Item, showbiz gay, male stars models

Maimpluwensiyang showbiz gay trip i-video ang kakaibang ‘date’

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng loob ng isang showbiz gay. Mukhang marami na siyang naiipong pictures at …

Tony Labrusca

Tony Labrusca bumaba ang popularidad

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN lang namin, mukhang napakabilis yata ng pagbaba ng popularidad ni Tony Labrusca. May …

James Reid Nadine Lustre Jadine Ikea

Career nina James-Nadine mag-survive kaya kahit hiwalay na?

HATAWANni Ed de Leon NAKITA sina James Reid at Nadine Lustre sa isang shop noong isang araw, pero maliwanag namang hindi sila magkasama. …

Albie Casino, Andi Eigenmann, Jake Ejercito

Albie milyon ang nawala dahil kay Andi

MA at PAni Rommel Placente NAIINTINDIHAN na namin kung bakit hanggang ngayon ay galit at …

Blind Item, Man Woman Fighting

Aktor at aktres panay ang dyombagan

FACT SHEETni Reggee Bonoan AWAY-BATI ang drama ng magkarelasyon na ito at matindi silang mag-away dahil …

Leave a Reply