MA at PA
ni Rommel Placente
SA interview ni Marco Gallo sa mediacon ng pelikulang Ang Mananangal na Nahahati ang Puso ay nagbigay siya ng mensahe para sa dati niyang ka-loveteam na si Kisses Delavin, na isa sa kandidata sa Miss Universe Philippines 2021.
Sabi ni Marco, “Kisses, post a little bit of your life more. All we see on your Instagram are Colgate and Palmolive. That is all we see, your sponsors. Post a little bit of your life. We do not know anything about your life anymore.”
Nang mabasa ni Kim Atienza ang mensaheng ‘yun ni Marco para kay Kisses, ay nag-reak ito sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.
Komento ni Kuya Kim, “Your private life need not be shared on social media Marco. She is blessed she has lots of endorsements. You should be happy for her. Back to you guys.”
Tama naman si Kuya Kim, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay dapat i-share ng isang artista ang kanyang private life, kahit pa nga isa siyang public property, ‘di ba?