Friday , July 26 2024
Mang Tani, Nathaniel Cruz, Kuya Kim Atienza

Kuya Kim inaabangan na sa GMA, papalitan si Mang Tani

I-FLEX
ni Jun Nardo

ABANGERS na ang televiewers at netizens kung totoo ang kalat na kalat nang balita na lilipat si Kim Atienza sa GMA Network.

Walang nagbigay ng kompirmasyon sa amin mula sa GMA tungkol sa balitang paglipat ni Kim. Pero sa social media accounts ng Kapuso Network, may teaser ads na sila kaugnay ng paglipat ni Kuya, huh!

Eh sa balitang paglipat ni Kim sa GMA, naging trending sa Twitter ang hashtag na Mang Tani. Si Mang Tani ang taga-report ng panahon sa news programs ng GMA particularly sa 24 Oras.

Sa comments sa Twitter, nalaman naming nag-migrate na si Mang Tani sa Australia. Mababakanate ang puwesto niya sa news programs. October 4 daw ay simula na nang paglutang ni Kuya Kim sa GMA.

Sa totoo lang, hindi na bago sa mga Atienza ang mapabilang sa GMA Network dahil ang tatay nilang si Cong. Lito Atienza ay may programang Maynila sa network ng maraming taon.

About Jun Nardo

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …