Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
092321 Hataw Frontpage

Mula Smokey Mountain patungo sa Malacañang (Landas ni Isko sa 2022)

092321 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

MULA sa Smokey Mountain sa Tondo, Maynila patungo sa Malacañang.

Ito ang landas na nais tahakin ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang opisyal na anunsiyo kahapon, bilang 2022 presidential candidate ng partido Aksyon Demokratiko na ginanap sa BASECO Compound sa Port Area, Maynila.

“Kaya buong kabababaang loob, inihahayag ko sa darating na Mayo, tanggapin ninyo ang aking aplikasyon bilang Pangulo ng Filipinas,” ani Moreno sa kanyang talumpati.

Kasabay nito’y idineklara ni Moreno si Doc Willie Ong bilang kanyang vice presidential running mate.

Ipinagmalaki ni Moreno ang kanyang abang pinagmulan bilang pruweba na puwedeng umasenso sa buhay ngunit hindi lumaki ang ulo.

“There is also another lesson I learned in early life: while poverty dehumanizes, it must not take the humanity out of you. Opo, lumaki akong busabos, ngunit hindi ako naging bastos,” sabi ni Moreno.

“Hindi lang pagkain ang kinakalkal mo, namamalimos ka rin ng respeto. Minamata ka. Hanggang ngayon, maaring iniismol ka,” kuwento niya sa kanyang pinagmulan bilang basurero.

Wala rin aniya siyang maipagmamalaking pamosong pamilyang pinagmulan gaya ng ibang politiko.

“Hindi n’yo makikita sa pera ang mukha ng aking walang perang mga ninuno. No avenues named after them. Kahit nga eskinita o waiting shed wala silang pangalang Domagoso,” aniya.

Giit ng alkalde, hindi niya hilig ang mangako bagkus ang ginagawa niya’y mabilis na pagkilos para tugunan ang problema. 

“I will be a healing president. While ours will be a government of national reconstruction, it will also be a government of national reconciliation, based on justice and rule of law,” dagdag ni Moreno.

Ipinagmalaki niya ang mga nagawa bilang alkalde ng Maynila sa pagtugon sa CoVid-19 crisis kompara sa kapos na hakbang ng national government.

Tiniyak ni Moreno, hindi niya haharangin ang prankisa ng ABS-CBN sakaling aprobahan ito ng Kongreso at hindi niya gagamitin ang poder para manggipit.

Samatala, para kay sa political analyst na si Julio Teehankee, may ‘reformist narrative’ si Moreno kompara sa ibang populist politician.

“I think his real message was a fact that , nag-aral siya e. He studied, alam naman ng lahat ‘yun na nag-aral siya. We have to credit him for that. In fact he does not only has populist narrative but he also has that  reformist narrative. That reformist narrative that I will fix government,” aniya sa After the Fact sa ANC kagabi.

“May nagawa siya in three years na hindi nagawa ng ibang mayor,” ani Teehankee bilang Manilenyo.

Marunong aniyang makinig sa iba si Moreno kaya maganda ang naging performance sa Maynila kaya maaaring ito rin ang gawin kapag naluklok sa Malacañang.

Isang out of the box choice naman aniya si Ong bilang tandem ni Moreno.

Naniniwala si Teehankee na magiging malaki ang ambag ni Ong sa tambalan nila ni Moreno sa aspekto ng internet war dahil pamosong personalidad ang doctor sa social media.

“I think what they are aiming is the new election which is internet war, digital war, social media blitz and that where Willie Ong comes in,” ani Teehankee.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …